Thursday , January 16 2025
Sipat Mat Vicencio

Dating Speaker Nograles ipinagtanggol si Imee

MISMONG si dating House Speaker Prospero Nograles ay hindi pabor sa ginagawa ng mga kongresista, partikular ang panggigipit kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at sa anim na empleyado ng provincial government na tinaguriang “Ilocos 6.”

Galit si Nograles sa ginawa ng isang hindi kilala at maepal na kongresista matapos ipakita at ipagmayabang sa media ang sinasabing magiging kulungan ni Imee sakaling hindi sumipot sa darating na pagdinig ng Kamara tungkol sa ginawang pagbili ng mga sasakyan para sa tobacco farmers gamit ang provincial excise tax.

“Improper!”

Ito ang katagang nasabi ni Nograles sa ginawang pagpapakita ng kongresista sa magi-ging kulungan ni Imee.  Matatandaang nauna nang ipinakulong ni Rep. Rudy Fariñas ang Ilocos 6 matapos i-contempt sa pagdinig ng Kamara noong Mayo.

At mukhang hindi nga titigil si Fariñas hangga’t hindi niya naipakukulong si Imee. Lumalabas kasing nahusgahan ng House leadership si Imee at desidido talaga silang ipakulong ang Gobernadora kahit wala namang matibay na batayan ang gagawin nilang aksi-yon.

At sinasabi pa nga nitong si Nograles  na walang chance at fair hearing na makukuha si Imee sa kasalukuyang House leadership dahil ang gusto lang umano nina Fariñas at House Speaker Pantaleon Alvarez ay ipahiya sa sandaling maipakulong nila ang gobernador ng Ilocos Norte.

Kaya nga, malinaw talagang hindi naman house inquiry ang ginagawa ni Fariñas para makabuo ng isang batas kundi isang uri ng poli-tical inquisition para malumpo ang kanyang ka-laban sa Ilocos Norte tulad ni Imee.

Halos lahat kinalaban na nina Fariñas at Alvarez, tulad ng Court of Appeals na ipatatawag daw ang mga mahistrado nito, at ang Supreme Court ay ipai-impeach daw nila si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay nagawa ng Kamara.

Parang wala nang kontrol si Alvarez lalo si Fariñas.  Lahat na lang inaaway na parang mga nasisira na ang ulo at kung sino ang makursunadahan ay pinapatulan. Lumalabas kasing ang tambalang Alvarez-Fariñas ang worst na namuno sa Kamara simula nang maitatag ang Kongreso.

Pero nagkakamali si Fariñas, mukha kasing nag- boomerang ang kanyang ginagawang panggigipit laban kay Imee. Sa ngayon, majority ng mga Ilokano ay galit na galit kay Fariñas dahil sa ginagawa niyang panggigipit sa Ilocos 6 at sa kanilang gobernador.

Walang maasahang boto ang pamilya ni Fariñas sa darating na eleksiyon sa lalawigan ng Ilocos Norte. Hindi akalain ng mga Ilokono na kapwa nila kababayan ang magpapahirap sa kanila. Hindi makatuwiran ang ginawa ni Fariñas na pagpapakulong sa Ilocos 6.

Kung nagawang bulukin ni Fariñas ang Ilocos 6 sa detention cell ng Kamara, tiyak na ganito rin ang kasasapitan ni Imee. Hindi patas ang ginagawang pagdinig ng Kamara sa pag-uudyok ni Fariñas, kaya makabubuting hindi na dumalo si Imee sa nasabing “pekeng” pagdinig.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *