Wednesday , March 22 2023

PH team humakot ng medalya

IPINARAMDAM ng Philippine team ang kanilang lakas sa Thailand Open upang bigyan ng babala ang mga makakatunggali sa Southeast Asian  Games.

Humakot ng dalawang bagong national records, tatlong gold medals, dalawang silvers at isang bronze ang National squad.

Sinungkit ng quartet nina Archand Bagsit, Edgardo Alejan, Michael del Prado at Joan Caido ang gold medal sa men’s 4x400m relay habang si Aries Toledo ay nag-uwi ng silver medal.

Ang ibang atleta sa national squad na nagpakita ng magandang performance ay sina Mark Harry Diones na sinilo ang gold medal sa triple jump (16.13m), Ronne Malipay, nagwagi ng bronze sa parehong event na may personal best 15.85m, Patrick Unso na hinablot ang silver at naging unang Filipino na may oras nang under 14sec sa 110m hurdles (13.91s).

“The whole idea is to capitalize on the winning momentum generated from all the competitions participated in by the team and the camaraderie built from the months of training together as a team.” saad ni PATAFA president Philip Juico.

Sunod na major competitions ng national squad ay ang Asian Athletics Championships sa Odisha, India mula Hulyo 6 hanggang 10,  Pre-SEA Games Malaysia Open (July 16-18) at World Championships sa London (August 4-13).

Pinamunuan nina Eric Cray at EJ Obiena ang mga national athletes na babanat sa London world athletics tilt. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply