Thursday , December 8 2022

Pagbabago sa karerahan (Part-2)

KAPAG natapos na ang gagawing pag-eksamen sa mga bleeders ay agaran na isusunod na riyan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang pinakaaabangan ng nakararaming mananaya, iyan ang pagbabawas o paggarahe ng mga kabayong may diperensiya na sa kasalukuyan lalo na iyong mga dinadaan na lamang sa tinatawag na pain killer o pampamanhid upang maitakbo lang. Malaking proteksiyon din ang proyektong iyan para sa mga horseowners, na kadalasang ginogoyo o naloloko na nung trainer nila. Batid naman natin na medyo marami na rin  ang may diprensiyang mananakbo sa karerahan, na ang gagawin ni trainer ay tipo may “mema” lang, iyong memaysabi lang sa may-ari na okay na boss at kaya pang makatakbo nung kabayo natin.

Iwas pusoy nga naman si trainer sa may-ari kahit na hindi na talaga puwedeng ilaban ay nilalagyan na lamang ng pampamanhid o pain killer  at kapag may mangyaring masama sa takbuhan ay sasabihin na lamang ni trainer na “Boss, nalubak yung alaga natin”. Aguy-aguy-aguy, tinamaan ng magaling kang trainer ka dapat ay matanggalan ng lisensiya ang mga katulad na ganyan.

Yung mga kabayong may diperensiya  sa paa, tuhod, singit at balakang kung minsan ay delikado. Kaya naman dagliang isinusulong iyan upang lalong mabigyan ng proteksiyon unang-una ay iyong may-ari na namumuhunan, pangalawa ay si hinete upang hindi maaksidente, pangatlo ay si mananaya upang hindi malagay o mataya sa may diperensiya na at ang huli na matimbang diyan ay ang industriya ng karera.

Pagkatapos ng proyektong iyan ay magiging malinis at magaan na pagpili ng ating tatayaan, dahil malalagay at mababasa natin sa mga programa kung sino-sino ang mga bleeders at may diprensiyang kabayo bago natin tayaan sa bentanilya. Kaya malaking tulong iyan ng PHILRACOM para sa ating mga mananaya na malaman natin kung ano ang kalagayan ni kabayo at nasa atin na lamang kung isasama pa sa listahan bago magtungo sa bentanilya. Okidok.

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:30PM) :

Race-1 : (4) Batas Kamao, (1) Ultimate Royal.

Race-2 : (2) Sparmate/Combaton, (3) Mighty Miggy.

Race-3 : (5) Fascinating Dixie, (7) Balicasag/Absoluteresistance, (2) Overwhelmed.

Race-4 : (3) Superal/CALOOCAN ZAP.

Race-5 : (6) LIGHT AND SHADE.

Race-6 : (6) CAT’s DELIGHT.

Race-7 : (6) Princess Meili, (3) Exhilrated/Giant Rainbow, (2) Cleave Ridge/Magic Square.

Race-8 : (5) Yes I Can, (4) Mi Bella Amore, (7) Cassie Dear.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

Kim Steven Yap

Manny Pacquiao International Open Chess Festival tutulak sa 13 Disyembre

MANILA — Ang pinakamalaking chess competition sa bansa, ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) tampok …

Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA

WNM Racasa nanguna sa PAPRISA Chess Meet

MANILA — Nakopo  ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa ang pangkahalatang liderato sa …

Jako Concio Jr Chess

IM Michael “Jako” Concio Jr., muling nanalasa sa GMG Chess tourney

MANILA — Muling nanalasa si International Master Michael “Jako” Concio Jr., ng Dasmariñas City, Cavite, …

Roel Esquillo Billiards

Caloocan City punong abala sa P212,000 10-Ball Open sa Cocoy’s Billiard Hall

MANILA — Magsisilbing punong abala ang Lungsod ng Caloocan sa country’s top players sa pagtumbok …

Paragua and Barbosa Chess

Pasig makikipagtuos sa San Juan, Davao versus Negros

MANILA — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Pasig City King Pirates at Davao …

Leave a Reply