Saturday , July 27 2024

Antabay lang na maging MGCQ

BATID kong karamihan sa ating mga karerista ay nag-aantabay na sa muling pagbabalik ng ating paboritong libangan na kung saan ay may “tentative schedules” na sa susunod na buwan ng Hulyo para sa susunod na anim na weekend, ikanga may dalawang ikot na Sabado’t Linggo base sa liham na isinumite ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa tanggapan ng IATF (Inter-Agency Task Force) kapag nailagay na sa MGCQ (Modified General Community Quarantine) ang NCR (National Capital Region) at mga lugar na kinasasakupan ng tatlong karerahan.

Aabangan natin ang magiging anunsiyo mula sa IATF ngayong katapusan ng Hunyo at sa darating na ika-15 ng Hulyo na kung saan ay diyan nakadipende ang pagsisimula na puwede na magkaroon ng pakarera. Para sa karagdagang impormasyon ng mga klasmeyts  natin na hindi pa nakakaalam nung mga schedules:    San Lazaro (Hulyo 18-19 at Agosto 08-09), Metroturf (Hulyo 25-26 at Agosto 15-16) at Santa Ana Park (Agosto 01-02 at 22-23). Ang para sa araw ng Sabado ay magiging dipende pa iyan kung marami ang magiging kalahok na mapagkakasya para sa dalawang araw na magkasunod.

Dumako naman tayo sa mga karerahan na kung saan ay normal na ang pag-eensayo at pagkukundisyon sa mga kabayo tuwing umaga, kaya marami na ang batak at maaari nang  lumahok sa pagbalik ng karera. Pagdating naman sa pista (racetrack) ay tanging ang karerahan pa lamang sa Malvar, Batangas ang nabalitaan kong nag-ayos at nagkundisyon ng kanilang pista kabilang na ang pagdagdag ng buhangin, kaya naman ayon sa ating bubwit sa Metroturf ay naging mainam kumamot ang mga kabayo sa kanilang pag-eensayo. Sa higit na dala­wang linggong nalalabi kung sakali man ay maituturing na may mga nakahanda ng kabayo sa mga karerahan.

Pagdating naman sa usaping tayaan medyo palaisipan pa dun sa mga klasmeyts natin na maglilibang sa paborito nilang OTB sa kanilang lugar dahil dipende rin iyan sa mga operator kung paanong diskarte ang kanilang gagawin angkop sa protocol na ibibigay ng GAB (Games and Amuse­ment Board) at IATF.

Ayon naman sa ilang operator na aking naka­usap ay literal na tayaan lamang muna ang nais nilang mangyari at wala muna ang pagbubukas ng kanilang TV monitor upang hindi magkasiksikan ang mga mananaya nila. Sa parte naman ng mga karerista o mananaya ay pabor na rin sa iba iyon na ang tanging gagawin na lamang ay magbu-booking ng taya, meaning ay mag-advance na sila at sa bahay na lamang manood ng takbuhan. Para naman sa may mga gadgets (mobile phone, laptap, computer, atbp.) ay pabor sa kanila dahil hindi na lalabas ng tahanan, pero ang tanging katanungan na lamang nila ay paano kung malaking halaga na ang kanilang tatamaan o kukubrahin? Ang tanging kasagutan lamang diyan ay magtungo na lamang kayo sa tanggapan ng karerahan kung saan kayo nakatama. Okidoks.

REKTA

ni Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *