Tuesday , September 17 2024

Pacquiao: Laban kontra Horn alay sa Marawi

“PARA sa ‘yo ang laban na ito.”

Muling papatunayan ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao ang kanyang kanta ilang taon na ang nakalilipas sa pag-aalay muli ng napipintong laban kontra Jeff Horn para sa mga kababayan lalong-lalo sa mga naiipit sa kaguluhan sa Marawi sa Mindanao.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra Horn sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium sa Australia na inaasahang aapawin ng 55,000 Horn fans.

At sa mga kababayan kukuha ng lakas ang natatanging 8-division world champion sa mundo.

Nitong linggo, tumungo si Pacquiao kasama ang ibang kasamahan sa Gene-ral Santos City upang doon ipagpapatuloy ang pagsasa-nay sa kabila ng idineklarang martial law sa buong kapuluan ng Mindanao.

Nauna nang nag-ensayo nang isang buwan si Pacquiao sa Elorde Boxing Gym sa Pasay City habang hindi pa tapos ang sesyon ng Senado at habang wala pa ang long-time trainer na si Freddie Roach.

Ngunit nang natapos na ang sesyon nitong 31 Mayo kasabay ng pagdating nang mas maaga ni Roach kasama ang conditioning coach na si Justine Fortune, nagpasya ang Team Pacquiao na magsanay sa tahimik na GenSan kaysa maingay na Maynila upang makapagtuon ng pansin sa pagsasa-nay.

“Sa sambayanang Filipino, para sa karangalan ng ating bansa, iniaalay ko ang laban na ito sa mga pamilya na naapektohan ng terrorism sa Marawi City, ‘yung mga pamilya na naapetokhan sa bagyo, sa baha,” ani Pacman.

Sa unang araw sa GenSan ay sumalang si Pacman sa 11 laps na takbo sa track oval ng Acharon Sports Complex kasama ang mga sparring partners at ibang alagang boksingero. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Carlos Yulo ICTSI

Karagdagang P10M kay Yulo mula sa ICTSI

NAKATANGGAP si Carlos Yulo ng karagdagang P10 milyon mula sa International Container Terminal Services Inc. …

World Dragon Boat Championships ICF

Sports tourism sa Puerto Princesa palalakasin ng World Dragon Boat tilt

HINDI lamang sports development sa dragon boat bagkus ang matulungan ang turismo ng Puerto Princesa …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Alas Pilipinas Women japan

Alas Pilipinas Women binigyan ng kaba ang siyam na beses na kampeon ng liga sa Japan

IPINAKITA ng Alas Pilipinas Women ang makabuluhang pag-unlad sa maikling panahon, binigyan ang siyam na …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *