Saturday , April 26 2025

Alaska-Blackwater trade, aprobado na

INAPROBAHAN na ng PBA ang palitan ng manlalaro sa pagitan ng Alaska at Blackwater kamakalawa, dalawang linggo bago ang inaabangang pagbu­bukas ng 2019 Governors’ Cup.

Sa nasbaing trade ay pinakawalan ng Aces si Carl Bryan Cruz sa Elite kapalit ang rookie big man na si Abu Tratter.

Ito ang unang pagbabago sa kampo] ng Alaska sa ilalim ng bagong mentor na si Jeff Cariaso.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay pinalitan ni Cariaso si Alex Compton na nagbitiw sa puwesto matapos ang limang taon bilang head coach ng Aces.

Inaasahan ni Cariaso ang malaking tulong ni Tratter sa frontcourt ng Alaska na binubuo nga mga beteranong sina Sonny Thoss, Noy Baclaro at Vic Manuel.

Makakasama rin ng 6’6 na si Tratter ang kanyang dating La Salle teammate na si Jeron Teng sa Alaska. Noong 2016 ay nagtulong sina Teng at Tratter upang gabayan sa kampeonato ng UAAP ang Green Archers.

Ang Alaska ang ikatlong team ni Tratter sa kanyang rookie year dahil matapos mapili bilang 7thoverall pick ng NLEX noong nakaraang PBA Rookie Draft ay naitulak siya papunta sa Blackwater kasama ang 5th overall pick na si Paul Desiderio.

Naging kapalit nila ang Gilas Pilipinas center na si JP Erram.

Sa kabilang banda, nag­wakas ang tatlong taon ni Cruz sa Alaska na kasama noong 2016 PBA Rookie Draft para sa Gilas cadets.

Sa Elite ay makakasama ni Cruz ang dati niyang FEU teammates na sina Raymar Jose at Mac Belo.

Tulad nina Tratter at Teng na nagkampeon sa UAAP nooong 2016, reunion din ito para sa FEU teammates na sina Jose, Belo, at Cruz na siya namang kampeon ng collegiate league noong 2015.

Sa Setyembre 20, magbu­bukas ang season-ending con­ference ng PBA.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *