Friday , December 1 2023

Bata bawal umangkas sa motorsiklo

BAWAL umangkas ang maliliit na bata sa motorsiklo sa national roads, at highway sa buong bansa, ayon sa nakasaad sa Children’s Safety on Motorcycles Act or Republic Act 10666, magiging epektibo sa 19 Mayo.

“Only children whose feet can reach the foot peg, could wrap their arms around the driver’s waist, and wears protective gear such as a helmet may be allowed to ride on a motorcycle with an adult,” pahayag ni Transportation Assistant Secretary Richmund de Leon, sa press conference sa Mandaluyong City, nitong Miyerkoles.

Nakasaad sa RA 10666, sino man magmamaneho ng motorsiklo ay hindi maaaring mag-angkas ng mga bata sa public roads na malaki ang volume ng mga sasakyan, o may high-density ng mabibilis na sasakyan, at ang speed limit ay mahigit 60 kilometro bawat oras.

Ngunit may “exemptions” sa ilang mga kaso, katulad ng paghahatid ng bata sa emergency situations at kailangan ng mabilisang atensiyong medikal.

Ang mga lalabag ay may multang P3,000 sa unang paglabag,  P5,000 sa pangalawang paglabag, at P10,000 sa pa-ngatlong paglabag, at isang buwan suspensiyon sa lisensiya ng driver.

“Violation beyond the third time shall result in automatic revocation of the offender’s driver’s license,” ayon sa RA 10666.

Ang Land Transportation Office (LTO), ang pangunahing ahensiya na magpapatupad ng batas, at maaaring atasan ang  traffic officers ng Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority at local government units para sa implementasyon nito.

Ang RA 10666 ay nilagdaan noong 21 Hulyo 2015, ngunit ngayong taon pa lamang ipatutupad.

“‘Yung pag draft ng implementing rules and regulations involves public consultation with various stakeholders. Medyo natagalan ang pag-implement kasi nagkaroon ng gap dahil sa transition into the new administration,” paliwanag ni De Leon.

About hataw tabloid

Check Also

Mr DIY Kramer 1

MR.DIY HOLI-DIY Event Shines Bright with Team Kramer at Ayala Malls Feliz
With Exciting Prizes & Meet and Greet with MR.DIY’s Celebrity Endorser

Host Nicolehyala (far left in photo) with Team Kramer Doug, Cheska, Kendra, Scarlett, and Gavin …

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *