Sunday , October 13 2024

Raikko Matteo, hinangaan ang galing sa Northern Lights

JAMPAKED ang nakaraang Celebrity screening/premiere night ng pelikulang Northern Lights A Journey to Love noong Lunes sa SM Megamall Cinema 8. Puring-puri ng lahat si Raikko Matteo dahil ang galing-galing niya sa karakter niya bilang si Charlie, ang batang hindi kinalakihan ang amang si Piolo Pascual dahil iniwan sila sa Pilipinas kasama ang inang si Maricar Reyes-Poon.

Si Piolo/Charlie Sr ay sa Alaska naninirahan kasama ang magulang niyang sina Tirso Cruz at Sandy Andolong na iniwan ang mag-ina sa Pilipinas dahil may ibang asawa na ang ina ng anak na si Raikko/Charlie Jr.

Edad walo na si Raikko/Charlie Jr nang payagan ni Maricar na pumunta ang anak sa ama nito sa ibang bansa at ang lolo’t lola nito ang nag-ayos lahat ng papeles para makarating bagay na hindi alam naman ni Piolo kaya laking gulat niya nang malamang parating na ang bata.

Walang alam si Raikko na kaya siya ipinadala sa Alaska ng mama niya ay dahil hindi na siya kayang alagaan dahil sa malalang karamdaman.

Hindi alam ni Piolo/Charlie S ang gagawin nang makaharap ang anak nang salubungin niya ito sa airport.

Gustong marating ni Raikko ang Alaska dahil sa Northern Lights na base sa kuwento ng mama niyang si Maricar lahat ng mahal nila sa buhay na nawala ay naroon at sila iyong dahilan kaya may dancing lights.

Kaya naman parating inuungot ni Raikko sa ama kung kailan sila pupunta ng Northern Lights na puro pangako lang pero hindi naman natutuloy pa at mas inuuna pa ni Piolo si Yen Santos na nakasabay ni Raikko sa eroplano na hindi nito alam na doon din pala titira sa bahay ng ama dahil hinahanap nito ang inang si Glydel Mercado.

Natuloy ding makita ni Raikko ang Northern Lights at dito niya nasabing, “nakita ko na ang Northern Lights, gusto ko na pong bumalik sa mama ko, maski walang Northern Lights doon, mahal naman ako ng mama ko, hindi tulad dito, hindi mo naman ako gustong nandito.”

Panay ang tulo ng luha ng mga nanonood dahil sa eksena ng mag-amang Piolo at Raikko dahil nagkahiwalay sila na hindi naman nila gusto.

Nakaiiyak din ang eksenang nagkita na sina Yen at inang si Glydel na paniwala ng una ay iniwan sila ng walang dahilan, pero nalamang kaya pala bumalik ang huli sa Alaska ay para balikan ang naunang pamilya.

Walang sinabi ang ama ni Yen na si Joel Torre na ikalawang pamilya pala silang naiwan dito sa Pilipinas.

Napaka-simple ng istorya ng Northern Lights A Journey to Love na ang gustong ipakita ay ang journey ng mag-amang Piolo at Raikko na maski ilang taon na ang lumipas o nasayang sa kanila ay hindi pa huli ang lahat para muling buuin ang kanilang pagsasama bilang mag-ama.

Samantala, maganda ang chemistry nina Piolo at Yen dahil may kilig kapag magkasama sila sa eksena kaya naman hiyawan ang lahat ng supporters ng aktres.

Kaya lang parang nakulangan kami sa acting nina Piolo at Yen o dahil hindi sila maka-todo dahil sa sobrang ginaw sa Alaska tulad nga ng napag-usapan nila sa nakaraang presscon ng Northern Lights A Journey to Love.

Sana may follow-up movie sina Piolo at Yen dahil parang bitin.

Sa kabilang banda, si Raikko ay hindi na kukuwestiyonin ang galing sa pag-arte dahil nakatatlong awards na siya sa 28th PMPC Star Awards for TV para Best Child Actor sa programa niyang Honesto, 45th Guillermo Mendoza Box Office Entertainment bilang Most Popular Male Child Performer (Honesto), at 16th Gawad Pasado Awards para sa Most Passing Symbol in a Moral Conduct at nominado naman siya bilang Child Star of the Year sa Yahoo Celebrity Awards na nangyari lahat noong 2014.

Naka-apat na pelikula na rin siya, Feng Shui 2, Resureksyon, Beauty and the Bestie, at itong Northern Lights A Journey To Love.

Nagbukas na sa mga sinehan ang Northern Lights A Journey to Love kahapon, nationwide produced ng Star Cinema, Spring Films, at Regal Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie may patama kay Aljur — a great leader is a man who can lead his family

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, grabe pero sapul na sapul nga yata si Aljur Abrenica sa cryptic …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

Alan Peter Cayetano

CIA with BA’: Dapat bang ang ama ang laging masunod kapag nagdedesisyon?

SANAY tayong mga Filipino sa kultura na ang ama ang kadalasang may huling salita sa …

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *