Wednesday , October 4 2023
shabu drugs dead

2,208 patay sa anti-drug ops nationwide – PNP

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga napapatay na drug personalities sa inilulunsad na anti-drug ope-rations ng pambansang pulisya sa buong bansa.

Batay sa inilabas na datos ng PNP, simula 1 Hulyo 2016 hanggang dakong 6:00 am ng 8 Enero 2017 umakyat na sa 2,208 ang napatay na mga drug suspect.

Ang nasabing bilang ng mga napatay ay bunsod nang isinagawang 41,900 anti-drug operations sa buong bansa.

Habang nasa kabuuang 44,312 drug personalities ang naaresto.

Sa ilalim ng Project Tokhang, pumalo na sa higit 6,000 bahay ang nabisita ng PNP.

Sa ngayon, nasa 1,020,904 drug personalities ang sumuko, nasa 75,481 dito ay drug pushers at higit  945,000 ang drug users.

Samantala, 35 pulis ang namatay sa anti-drug operations habang 77 ang sugatan, sa panig ng AFP ay nasa walong sundalo ang namatay.

About hataw tabloid

Check Also

Benny Abante

Insentibo sa senior citizens
P1-M SA EDAD 101 ANYOS, KATUMBAS NA LIBO-LIBO SA EDAD 70, 80, 90 ANYOS
Isinusulong ni Abante

KAPAG tuluyan nang lumusot sa Kamara De Representantes ang panukalang batas ni Manila 6th District …

Lolo Social Media

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos …

100223 Hataw Frontpage

14-wheeler truck pinutukan ng gulong
BABAENG SAKADA TODAS SA TONE-TONELADANG TUBO

BINAWIAN ng buhay ang isang babae matapos matabunan at malibing nang buhay sa ilalim ng …

TESDA ICT

Kulang na TESDA assessors pinuna ni Gatchalian

BALAK manng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high …

Bong Revilla

Revilla Bill para sa lola at lolo aprobado sa Senado

“SOBRA tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *