Wednesday , March 22 2023

Pacquiao itinumba si Vargas

110716_front

NANATILI ang bilis, lakas at kara-nasan ni Manny “Pacman” Pacquiao kaya naitukma niya si American fighter Jessie Vargas at makuha muli ang WBO welterweight belt sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, kahapon.

Nabawi ng 37-anyos na si Pacquiao ang titulo kay Vargas matapos ilista ng tatlong hurado ang 114-113, 118-109, 118-109 unanimous victory ng Pambansang kamao ng Filipinas.

Nag-landing ang kaliwang kamao ni Pacquiao sa mukha ni Vargas ikinabagsak sa lona ng American boxer sa round 2.

“I’m trying to knock him down, I’m very careful to go inside because he’s also powerful,” ani Pacquiao. Ipinagpatuloy ni Pacquiao ang kanyang dominasyon sa laban hanggang mamaga ang mukha ni Vargas. Muling dumapa si Vargas sa last round ngunit ayon sa referee na-dulas lamang ang bok-singero. Bago ang bakbakan, dumating si undefeated Floyd Mayweather Jr. at pinanood ang laban ng dalawa. “I came to take my daughter to the fights,” ani Mayweather kasama ang kanyang anak na nanood ng laban. Nakangi-ting binati ni Pacquiao si Mayweather pagkatapos ng kanyang ring interview.

Dinala si Pacman sa ospital para tahiin ang kanyang sugat sa ulo dahil sa headbutt. Umabot ito ng 16-stiches.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply