Saturday , September 7 2024

PresDU30 pinatanggal ang mga checkpoint

IPINAG-UTOS ni PRESDU30 na tanggalin na ang police checkpoints nationwide.

Puwera na lang kung may specific reason para maglagay ng checkpoints in a certain area, ito ay pahihintulutan ng Pangulo.

Dagdag niya, ang checkpoints ay inilalagay lamang kung may high value target or suspect na dadaan sa specific na lugar. Para kay PRESDU30, nagiging pang gulo lang sa buhay ng mga Filipino ang checkpoints.

Ngunit ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kailangan niya raw muna niyang linawin mismo sa Pangulo ang pahayag na ito.

TROPANG AMERIKANO NAGDATINGAN

Ayon sa isang opisyal ng Philippine Military, may mga bagong batch ng tropang Amerikano na dumating sa Zambaonga City. Ito ay kahit na nagbitaw si PRESDU30 ng mga salita laban sa presensiya ng US Military sa ating bansa.

Halos 107 Amerikanong sundalo ang dumating. Sila ay sasailalim sa training at mag-a-assist sa mga Filipinong sundalo na lumaban sa mga terorista. Bago naman dumating ang mga sundalo ay dumaan sila sa tamang proseso at humingi ng permiso. Ito ay ayon sa Spokesman ng AFP na si Brig. Gen. Restituto Padilla.

MGA MANGINGISDA BALIK SCARBOROUGH

Marami sa mga mangingisdang Filipino ay nawawala na ang takot pumalaot sa Scarbo-rough Shoal, wala na ang pangamba at takot nila sa Chinese Coast Guard. Ayon sa mga report, may mga Chinese Coast Guards pa rin na naglalayag sa Shoal, pero ‘di tulad dati, hindi na nila hinaharang ang mga mangingisdang Filipino.

Ang init sa pagitan ng mga Filipino at Chinese ay humupa matapos ang bilateral meeting sa pagitan ni PRESDU30 at Chinese government. Dahil sa nasabing meeting, sinabi ng Pangulo na malaya nang makababalik ang mga Filipinong mangingisda sa nasabing teritoryo.

DSWD NAGLABAS NG LAWIN RELIEF REPORTS

Last October 20, sinalanta ng super typhoon Lawin ang malaking bahagi ng Northern Luzon. Marami sa ating kababayan ang nanatili sa mga evacuation centers. Nasa category 5 ang nasabing bagyo. 10 days after ng bagyong Lawin, nagbigay ng update ang Department of Social Welfare & Development (DSWD) tungkol sa kanilang latest relief assistance.

Sa P840 million funds at stocks, 61 percent nito ay naibahagi at naibigay na nila. Ang natira na lang ay P332,802,685 o 39 percent as of October 30.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *