Monday , September 25 2023

Editorial: Basura ang survey ng Pulse Asia

WALANG nakapagtataka o nakamamangha sa resulta ng survey na ginawa ng Pulse Asia na ang usapin sa pagtataas ng sahod, trabaho at mababang presyo ng bilihin ay pangunahing prayoridad sa kasalukuyan ng taongbayan.

Higit na nakapagdududa ang timing ng survey ng Pulse Asia. Ipinakikita sa ginawang survey noong 25 Setyembre hanggang 1 Oktubre, na huli raw sa prayoridad ng taongbayan ang pagsugpo sa krimen.

Matatawag ang survey ng Pulse Asia na isang spin o paikot dahil sa mga nakalipas na administrasyon at kahit pa sa susunod na mga administrasyon, ang usapin sa pagtataas ng sahod, trabaho at mababang presyo ng bilihin ang laging susulpot na siyang pangunahing prayoridad ng bawat pamilyang Filipino.

Malinaw na ang survey ng Pulse Asia ay pag-atake sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.  Nais nilang ipakita at ipamukha na mali ang prayoridad ni Duterte na unahin ang kampanya kontra droga sanhi ng maraming krimen sa bansa, at sa halip dapat pagtuunan ng pansin ang usaping pang-ekonomiya.

Ang hindi alam ng Pulse Asia na ang sinabing pagtataas ng sahod, trabaho at mababang presyo ng bilihin ay makakamit lamang kung kaakibat nito ay may kapayapaan sa isang pamayanan.  Kung laganap ang krimen, ang pag-unlad ng ekonomiya ay mananatiling pangarap lamang.

At hindi maaaring sabihin ng Pulse Asia na naging parehas sila sa kanilang survey dahil madalas ay nakukuha nila ang kanilang gustong resulta base na rin sa kung ano ang kanilang itatanong  sa mga respondent.

Halatang anti-Duterte ang Pulse Asia, at maituturing na basura ang kanilang survey.

About hataw tabloid

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *