Friday , March 24 2023

Wikang Filipino gawing midyum sa iskul – KWF (500 delegado lumagda)

080816 KWF almario guro lagda
ISA-ISANG lumagda ang may 500 delegado at tagamasid sa Pambansang Kongreso 2016 na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino bilang midyum sa mga paaralan at iba’t ibang institusyon sa bansa, nitong 5 Agosto sa Teachers’ Camp, Lungsod ng Baguio. ( Larawan mula sa KWF ) / NAGSASALITA ang Tagapangulo at Pambansang Alagad ng Sining, Virgilio Almario sa harap ng mga delegado. ( kuha ni GLORIA GALUNO )

UMABOT sa 500 delegado at tagamasid sa Pambansang Kongreso 2016 ang lumagda sa Intelektuwalisasyon ng Wikang  Filipino   nitong  5  Agosto sa Teachers’ Camp, Lungsod ng Baguio.

Sa pangunguna ng Komis-yon sa Wikang Filipino (KWF), matagumpay na nagtapos ang tatlong-araw na komperensiya sa pagtatala ng mga kapasiyahan na nagmula mismo sa mga suhestiyon ng mga kalahok sa nasabing gawain.

Inirerekomenda ng KWF, sa Kapasiyahan Blg. 2-2016, na simulan gamiting midyum ang pambansang wika sa ano mang larang at asignatura.

Kung walang programa ukol sa Filipino bilang midyum, ayon sa kapasiya-han, mangyaring magsimula ng programa ang mga admi-nistrador upang magamit ang wika.

Dapat isaalang-alang ang pambansang wika sa pagbuo ng kurikula ng mga institus-yon, ayon sa KWF.

Upang mahikayat ang lahat ng paaralan na mag-ambag sa intelektuwalisasyon ng Filipino, bibigyan ng katapat na insentibo at pagkilala ang mga paaralang mahusay ang paggamit sa wika.

Alinsunod sa Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 ang ginawang kapasiyahan ng komisyon.

Sa nasabing batas, dapat linangin at palaganapin ang Filipino  bilang  wikang  opis-yal at pambansa bukod sa pagtuturo sa loob at labas ng paaralan.

Kasama sa Artikulo XIV ang pagpapalaganap ng nas-yonalismo.

Umaasa ang KWF, kasama ang 500 guro at mga propesyonal na dumalo sa komperensiya, sa ganap na intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.

Nagsimula ang kompe-rensiya nitong Miyerkoles, 3 Agosto, 2016.

Ang mga delegado ay mula sa akademya at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinangunahan ng KWF, katuwang ang Sentro ng Wika at Kultura (SWAK), ang komperensiya na may temang “Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.”

Layunin ng komperensiya na mailahad ang pana-naw at proseso ng intelektuwalisasyon ng wika sa sistema ng edukasyon; matukoy ang mga hamon at suliranin sa pagbabalangkas ng mga kongkretong hakbang sa pagpapalakas ng wika sa teknikal at siyentipikong larang; mailapat ang mga proseso ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa lahat ng STRAND batay sa K+12 Kurikulum; matiyak ang mataas na antas ng edukasyon sa bawat STRAND gamit ang Filipino; maitaguyod ng mga guro mula bayatan patungong tersiyarya ang bisa sa paggamit sa pagtuturo; at maganyak ang mga guro na gamitin ang Filipino sa paglinang ng mga aralin at pagbabalangkas ng mga ka-gamitang panturo.

080816 KWF Benjamin Mendillo
Si Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sangay ng Salin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Dumalo sa pagtitipon ang delegasyon mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, ilang kinatawan mula sa media, mga director ng SWAK at ang Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF, kabilang ang Tagapa-ngulo at pambansang alagad ng sining, Virgilio S. Almario.

“Masasabi na ang pagtitipon ay pagsasanib ng lakas ng iba’t ibang disiplina upang pag-ibayuhin, maitayo mag-isa ang mga teknikal at siyentipikong larang gamit ang wikang Filipino,” ani Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sa-ngay ng Salin.

Susing tagapagsalita si Kalihim Fortunato T. De la Peña ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na nagpadala ng kanyang mensahe sa pagtitipon.

Kasama sa unang bahagi ang paggawad ng Kampeon ng Wika at Ulirang Guro, ma-ging ang launching ng Audio Visual Presentation ng KWF para sa taon 2016.

Ang kalahati ng araw ay binuo ng apat na sesyong plenaryo: Mga Pananaw at Hakbang sa intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino; Mga Saliksik at Karanasan sa Likas at Praktikal na Agham;  Intelektuwalisasyon ng Filipino sa Batayang Edukasyon; at Pagsusuri sa Kurikulum ng Junior at Senior High School.

Binigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na magkaroon ng malayang talakayan sa sesyon.

Sa unang bahagi ng pa-ngalawang araw ng Teachers’ Camp, nagkaroong muli ng apat na sesyong plenaryo tungkol sa Intelektuwalisas-yon sa iba’t ibang larang: Edukasyong Pangguro; Teknikal at Pang-agham; Ekono-miks; at Medisina. Muling nagkaroon ng mala-yang talakayan.

Nagsimula ang sesyong paralel sa ikalawang bahagi, ng ikalawang araw ng camp, at doo’y pinaghiwa-hiwalay ang mga kalahok sa limang sesyon.

Gumawa ng balangkas ng Action Plan ang bawat grupo, maging ng mga kongkretong hakbang sa bawat disiplina.

Ang mga facilitator sa bawat sesyon ay pumili ng isang kalahok na naglahad ng awtput at mula sa mga nailahad ay naglagom ng mga talaka-yan at presentasyon ng mga kapasiyahan sa pangunguna ni Roberto T. Anonuevo, direktor heneral ng KWF.

Sa ikalawang bahagi ng huling araw, ang pagkakaroon ng ebalwasyon at impresyon sa mga delegasyon mula sa Luzon, Visayas at Minda-nao, na sinundan ng lagom sa hinaharap ng Wikang Pambansa sa Sistema ng Edukas-yon sa pangunguna ni Dr. Michael M. Coroza.

Ang huling araw ng komperensiya ay pinamahalaan ni Ginang Purificacion Delima, komisyoner ng KWF.

nina Joana Cruz at Kimbee Yabut

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply