Friday , December 6 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Kapitan at konsehal ng Bgy. Bulag sa illegal quarrying

Dragon LadyTILA mahihirapan ang mga residente ng Purok 6, Barangay Calumpang sa bayan ng Liliw Laguna na matigil ang pagsasagawa ng mga illegal auarrying sa kanilang barangay, dahil mismo ang isang konsehal nito na umaakto pang Chairman ng Committee on Environment at ang Kapitan nito ang magkasangga  s apagpapahintulot ng pagkakaroon ng illegal quarrying sa kanilang barangay,na nagbibigay ng panganib sa buhay ng mga residente na naninirahan sa magkabilang pampang.

Bulag,pipi at Bingi sa mga nagdadaanang mga dumptrucks mula sa Lapad River na naghahakot ng mga buhangin,at ginagawa pang basurahan ang gilid ng nabanggit na Lapad River ilang metro lamang ang layo sa ginagawang illegal quarrying, magkano kaya ang bigay kay Barangay Konsehal Botsok? siyempre mas malaki kay Kapitan di po ba? sigurado kausap na ang mga oprators ng Truck na humahakot ng mga buhangin! sana makarating ang problemang ito kay President Digong Duterte!.

Pasay COP, nagtago NAng may mapatay na mag-ama

Sankaterbang mediamen ang agad na nagresponde sa Pasay City Police, matapos na akusahang nang-agaw ng baril sa Pulis ang mag-amang inaresto dahil sa kasong iligal na droga s aloob ng tanggapan ng Special Investigation and Intelligence Division (SAID) noong Huwebes ng umaga ,petsa Hulyo 7.Subali;t hindi nakita ang anino ni P/Senior Supt. Nolasco Bathan,na isang linggo pa lamang nauupo bilang Pasay City Police Chief.Marahil tinutupad lamang ni Col. Bathan ang kanyang sinabi na ayaw niya magpainterbyu sa mediamen,aba! kung ganitong krimen dapat na lumitaw itong si Col.!ibang klase ang hepeng ito! dahil sa sinabi nito na demotions sa kanya ang puwestong hepe ng Pasay City Police dahil dfati na siyang naging Provincial Director!.Dapat siguro ay lumayas na s akanyang puwesto itong si Col. Bathan,dahil pinag-aagawan ang puwestong Hepe ng Pasay City Police Chief dahil ito ay sakop ng NCR! at kung ayaw mo ng interbyu para mo ng sinabi na ayaw mo makaharap ang mga mediamen, ito ang sagot namin”AYAW DIN NAMIN SA IYO!  kaya huwag mo kami sisihin kung walang panig ng kapulisan ang anumang krimen na magaganap sa siyudad ng Pasay!

***

Narinig ko s amga mediamen na kiumokober sa lungsod ng Pasay,babanhtayan nila ang iyong mga galaw! ikaw ang mag-ingat sa mga mata ng mediamen!

***

Tinarawagan namin ng pansin si District Director P/Senior Supt.Tomas Apolinario,kung anong bait mo, siya namang kabaligtaranh ng pag-uugali mo ang hepe ng Pasay,pakitanggal mo ito rito baka magkaroon ka ng problema sa mga mediamen na kumokober sa Southern POlice District!

MGA OFW DESMAYADO

DESMAYADO ang mga OFW ,dahil dinismis ni Pasay City Regional Court Pedro de Leon Guttierez ang kanilang apela na alisin na ang Php 550 na travel tax sa NAIA,na kanilang binabayaran bago sumakay ng eroplano patungo sa mga bansa na kanilang pagtratrabahuhan.Dahil dito aapela ang mga OFW sa hindi umanong makatarungan na desisyon ni Judge Guttierez… Abangan natin ang buwelta ng mga OFW.

Extrajudicial Killings nga ba?

Sunud-sunod na mga napatay,nang-agaw umano ng baril, yan ang mga akusasyon sa mga napapatay na mga nahuling drug pushers,o drug users,iisa ang ginagawang rason ng mga Pulis, inagawan o nang-agaw ng baril! wala na bang bago? eh luma na yan! wala bang ibang anggulo? nahahalata na ang ating kapulisan!Noong una, marami ang natutuwa sa pagpatay sa mga drug pushers, subali’t wala pang napapatay na drug lord! puro mga maliliit na drug pushers pa lamang ang nahuhuli!asan na ang mga drug Lords!..baka naman itinago na! sino naman ang magtatago,ngayong binulgar na ang limang heneral na umano’y protektor?may katotohanan ba?sana hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa kanyang pagbubulgar sa limang heneral,at sana din ay ibulgar na ng limang heneral ang pangalan ng kanilang pinoprotektahan sakaling totoo nga ang partisipasyon ng limang heneral!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *