Thursday , December 12 2024

‘Di naman nakainom parang lasing!

PINAGTATAWANAN habang nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang isang kandidato para bise alkalde sa isang lungsod sa Kamaynilaan, sabi mismo ng kanyang kapartidong konsehal, hindi marunong magsalita at kilala siyang maninginom at kapag nalalasing ay may pagkasira ang ulo!

***

Ang nasabing kandidato para vice mayor, kapag nagsasalita sa mga ginagawang caucus ng kanilang partido, laman ng kanyang speech ay puro banat o batikos sa kanyang katunggali, dahil walang masabing magandang ginawa, kaya ang panlaban niya ay wasakin at durugin ang kanyang kalaban na magtatapos na ang ikalawang termino bilang vice mayor.

***

Sa ginawang pananaliksik at pakikinayam sa constituents ng lugar ng tila lasing kung magsalitang kandidato, mahihirapan niyang matalo ang kanyang katunggali, dahil matindi umano ang hatak sa tao, kaya naman walang tigil sa pagdurog sa pagkatao ng kalaban sa pagka-bise alkalde.

***

Pumutok ang balita na sumobra na ang lakas ng kandidato, nagulat ako dahil bibilib na sana ako sa balitang sumabog na napakalakas niya, nang tanungin natin ang pinanggalingan ng balita, heto ang sagot: “Oo, malakas na, napakalakas nang MAGHATAG!”

Isang malakas na halakhak ang naging sukli natin sa taong nagbalita!

***

May palagay tayo na may boto naman siya, dahil nabibitbit ng kanyang meyor, pero hindi lahat ay puwedeng makumbinsi, alam naman natin na kapag sasapit ang araw ng eleksiyon marami ang “MUKHANG PERA”  at “BALIMBING.” May 100 kapitan daw ng barangay o higit pa ang kausap ng kandidato, ngunit mahigit P200,000 ang botante sa kanyang lugar, ano sa tingin ninyo? Parang nakikita na natin ang resulta sakaling hindi manalo ang kandidato. Lagot ang mga kapitan na panay ang tanggap! Sa tunay na buhay ang kandidato ay mabait naman, matulungin, nadaig lamang ng kanyang bisyo, may balak palang kumandidato, hindi na maalis sa isipan ng tao kung ano siya, huli na at iniisip na kapalstikan umano ang kilos niya! Isa tayo sa nanghihinayang, napasubosa larangan ng politika. Sayang na sayang, sana nagpahinog muna bago pumalaot sa politika! Hindi tayo asar sa kanay, mas asar tayo sa mga nasa paligid niya na niloloko lang siya!

NPC Election

TAPOS  na ang Election sa National Press Club, ang pinakawalang kakuwenta-kuwentang election, dahil kapag kalaban ka, wala kang puwang! E kung ikaw ang kalaban, bakit ka pa lalaban? May matitigas ang ulo na independiente para direktor, kahit sa totoo ay may laban kayo, ang maniobra ay mas totoo!

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *