Saturday , December 14 2024

Jonvic Remulla bumaliktad na

POSITIBO na kaya tumakbo sa Amerika si Ca-vite Governor Jonvic Remulla ay  bumaliktad na sa partidong UNA ni VP Jejomar Binay at lumipat kay Presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinulong sa akin ng nakararaming opisyal ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Cavite na binubuo ng 26 mga bayan at siyudad.

****

Sa bayan  ng Amadeo, naging usap-usapan na nasa partidong UNA si Mayor Benjo Vilanueva, ngunit palihim na sinusuportahan si Mar Ro-xas.

Alam kaya ito ni VP Binay?

Galit naman ang tunay na dala ng LP na si Mayor Tic Ambagan dating Alkalde ng Amadeo, dahil sumasawsaw sa kanilang partido si Villanueva.

Sa partido pa lang magulo na ang lalawigan ng Cavite na lalong pinagulo ni Gov. Jonvic Remulla!

****

Sobra umano ang lakas ni VP Binay sa lalawigan ng Cavite at dalangin ng mga botante na sumusuporta dito na ang dalhin ng INC dahil malaki ang botong maibibigay ng INC sa lalawigan ng Cavite. Malaki rin ang grupo ng Alpha Phi Omega  Fraternity (APO) na todo ang suportang ibinibigay kay Binay.

****

Itong si Silang, Cavite Mayor, matunog na susuporta kay Binay, kabilang din si dating Board Member Dino Chua, na matindi ang hatak sa mga botante ng Noveleta, Cavite. Si Dino Chua ay naging Board Member ng Lalawigan ng Cavite, at isang Atty Sta. Maria na laging talunan ang katunggali ni Chua, Sa aking pagkakaalam ay suportado ng UNA-Magdalo si Chua, maging ni incumbent Mayor Enrico Alvarez, kaya sigurado na si Chua na susunod na Alkalde ng Noveleta Cavite.

****

Biyenan pala ni Chua si incumbent Mayor Toti Paredes, na muling tatakbo bilang alkalde ng Cavite City na ang makakatunggali ay isang may apelyidong Consigo, na ang lakas ng hatak dahil bata at ‘di gaya ni Paredes na may edad na. Masyado nang nalugmok ang Cavite City, walang tigil ang patayan at sankaterba ang ilegal na droga na hindi masugpo ng pulisya!

***

Sa bayan ng Rosario, Cavite ang incumbent Mayor na si Nonong Ricafrente ay bababa sa puwesto, at vice mayor na lang ang posisyong tatakbuhan, bakit?

E ang anak niya ang tatakbong Mayor! Terible rin naman, mga takaw na takaw sa puwesto! Kunsabagay di ako magtataka, sa National Press Club sa Mayo 1 na ang election, meron diyan isang opisyal na muling tatakbo, na ewan ko kung bakit ayaw bitawan at ibigay sa iba ang puwesto! Marami nang pera mula nang maging opisyal ang nasabing tao pero marami rin kaaway!

Maniniwala ba kayo na hindi binayaran ang annual dues ng mga miyembro ng taong ‘yan? Kung hindi niya gagawin iyon tiyak walang boboto!

(Kung may sumbong o reklamo,o-email lang sa [email protected])

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *