Saturday , June 10 2023

Blue Eagles umibabaw sa Tamaraws

GINILITAN ng Ateneo Blue Eagles ang defending champion Far Eastern University Tamaraws, 1-0 nung isang araw  sa UAAP men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Dumagit ng puntos si rookie Jarvey Gayoso sa 80th minute para palakasin ang tsansa ng Ateneo na dumapo sa Final Four.

Nagkaroon ng pagkakamali ang Tamaraws keeper na si Ray Joyel at hindi ito pinalampas ni Gayoso para masungkit ang full three points para sa Blue Eagles.

Lumanding ang Blue Eagles sa fourth place kapit ang 21 points, inungusan ang University of Santo Tomas na nauwi sa 1-1 draw sa laban nila kontra Adamson University noong Sabado.

Pangalawang sunod na match na hindi naka-goal ang FEU.

Scoreless draw sa 0-0 ang laban ng FEU sa National University Bulldogs noong Huwebes.

Napigil sa 24 points ang Tamaraws na galing sa six-game winning streak bago nagkumahog sa dalawang huling laro, pero hawak pa rin nila ang liderato.

Samantala, tinuhog ng De La Salle Green Archers ang University of the East, 2-0, para masolo ang third spot tangan ang 23 points.

Mag-isa sa pangalawang puwesto ang UP habang laglag sa No. 5 ang Growling Tigers bitbit ang 19 points.

Sa women’s football, nauwi sa goalless draw ang laban ng FEU sa UST.

Nanatili ang Lady Tamaraws sa third spot na may eight points, isang puntos na abante sa No. 4 na Tigresses. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marie Dimanche Michael Vargas Eric Buhain Jessi Arriola Bambol Tolentino

Vargas, nahalal na pangulo; Buhain, SecGen ng PSI

NAIHALAL bilang bagong pangulo ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) ang long-time swimming patron na si …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *