Wednesday , March 22 2023

PSL All-Star squad tumikim ng panalo

NAKATIKIM ng panalo ang Petron-Philippine Superliga All-Star squad matapos tambangan ang Hong Kong, 25-22, 25-15, 25-20, sa Thai-Denmark Super League sa Bangkok.

Friendly match na lang ang naging laban ng Filipinas dahil tanggal na sila sa nasabing torneo.

Luhod ang Petron-PSL team sa four sets sa Bangkok Glass, lupaypay din sa tatlong sets sa Idea Khonkaen at muli ay dapa sa four sets sa 3BB Nakhonnont.

“We came into the game without any pressure,” sabi ni Petron-All-Star coach George Pascua sa laro kontra Hong Kong. “We reduced our errors and our services were very impressive.”

Planong idayo ang PSL team sa Hong Kong sa June 12 para sa serye ng friendlies din bilang Independence Day treat sa mga Filipinos doon.

Pagbalik ng mga Pinay netters sa Pilipinas ay uumpisahan na ang Final round sa PSL invitational Conference.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply