Wednesday , December 11 2024

Ang ilusyon ni Win Gatchalian

KUNG salitang kalye ang gagamitin, hindi lang ilusyon ang nangyayari ngayon kay Valenzuela Rep. Win Gatchalian kundi nahihibang.

Paniwala kasi ni Win ay mananalo na siya  sa  pagkasenador sa darating na eleksiyon kahit malabo itong mangyari.

Hindi nangangahulugang malapit na siyang makapasok sa “Magic 12,” batay sa pinakahuling survey ng SWS, ay sigurado na mananalo siya sa senatorial race. Kung tutuusin, delikado pa rin siya sa 13th  place dahil dikit-dikit sila nina Rep. Martin Romualdez, Francis Tolentino, Mark Lapid at Joel Villanueva.

At huwag ipagmamalaki ni Win na bilang isang kongresista maraming estudyante na ginawa niyang scholar dahil kung ikokompara ang bilang ng mga adik sa droga sa Valenzuela City, ay higit na nakalalamang ang bilang ng huli.

Ang mga biktima ng droga ang dapat na unahin tulungan ni Win dahil bukod sa kanya, ang kapatid niyang si Rex ay mayor ng Valenzuela City at si Wes naman ay party-list representative.  Kung inuuna lang kasi ni Win ang kapakanan ng mahihirap sa Valenzuela City baka ang pagkalat ng droga ay nasawata na niya.

Pero ano ang magagawa natin, kahit na gumastos pa nang milyon-milyong piso si Win, desidido talaga siyang maging senador kahit alam naman siguro niyang mahihirapan siyang manalo.

Sayang talaga ang perang winawaldas ni Win, sana sa mahihirap na lang ng Valenzuela niya ito iginugugol.

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *