Wednesday , March 22 2023

Torre idedepensa ang titulo (Battle of the GMs)

102315 eugene torre chess
NAKATAKDANG idepensa ni Asia’s first grandmaster Eugene Torre ang kanyang titulo sa pagsulong ng Battle of the Grandmasters National Chess Championships ngayong araw na gaganapin sa PSC Athletes’ Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.

Paniguradong dadaan sa butas ng karayom ang 63 anyos at chess legend dito sa Pilipinas na si Torre dahil makakalaban niya ang ibang matitikas na GMs sa bansa kasama ang mga National players pool.

Si Woman International Master Catherine Pereña Secopito naman ang magdedepensa sa Women’s Division.

Mag-uumpisa ang opening ceremony sa alas dos ng hapon kung saan dadalo ang mga opisyales ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pangunguna ni Chairman at President Prospero “Butch” Pichay Jr., Secretary General Congressman Abraham “Bambol” Tolentino, Grassroots Development and Promotions Committee Chairman Congressman Neri Javier Colmenares, Treasurer Red Dumuk at Executive Director Grandmaster Jayson O. Gonzales.

Ang nasabing tournament ay inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee (POC).

Samantala, maaari pang magpatala ang mga qualified players ngayong araw.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply