Monday , October 2 2023

Luv U, mamamaalam na sa ere

101615 luv u
NAGPAHAYAG na ng senyales ang teen show ng ABS-CBN na Luv U sa nalalapit nitong pagtatapos.

Sa huling episode noong Linggo ay tumagal ito ng isang oras at inaasahang ganoon din ang mangyayari sa mga susunod pang episodes ngayong buwan.

Ayon sa isang source sa Dos, tatapusin na ang Luv U sa katapusan ng buwang ito dahil nais ng mga direktor na sina Edgar at Frasco Mortiz na mas bigyang-pansin ang isa pa nilang pang-Linggong show ng Dos na Goin’ Bulilit.

Binanggit din ng source na ang papalit sa Luv U ay ang bagong drama show na 1G na tatalakay sa iba’t ibang mga problema sa bansa.

Magiging bida sa unang istorya ng 1G sina Zanjoe Marudo at Andi Eigenmann at magiging paiba-iba ang mga istorya buwan-buwan.

Tumagal ang  Luv U ng halos tatlong taon at nanguna ito sa Sunday ratings na pang-hapon. Una itong iniere ng 3:00 p.m. at nalipat sa 5:00 p.m. pagkatapos na mawala sa ere ang  The Buzz at pinalitan ng mga pelikula ng  Star Cinema.

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

About James Ty III

Check Also

Ashley Sandrine Yap Richard Yap

Anak ni Richard Yap magiging bahagi ng GMA News and Lifestyle program

I-FLEXni Jun Nardo HALO-HALO ang 48 artists na luma at bago, ang pumirma at naging …

blind item, woman staring naked man

Batas laban sa mahahalay na panoorin madaliin

HATAWANni Ed de Leon DAPAT nang bilisan ang pag-aaral ng Kongreso sa panukalang batas na …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kalma muna bagong relasyon tiyakin

HATAWANni Ed de Leon WALA na bang masasabi ngayon si Andrea Brillantes kundi kung sinong lalaki ang …

Teejay Marquez

Projects ni Teejay Marquez sa Indonesia sumabit

HATAWANni Ed de Leon NOONG isang araw, kausap namin ang actor na si Teejay Marquez, na …

Lala Sotto MTRCB

Apela ng It’s Showtime ibinasura

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IDINENAY ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Motion …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *