
Ayon kay Mrs. Mar Roxas, “Hoaaa! As these three stars collaborate for the first time ever for a song for the future of the Philippines, called ‘Fast Forward’ (to progress)—a gift from them to Mar Roxas. The song will be played on Magic 89.9, YES FM and DWLS FM drive time morning and evening, too!
Thanks guys. We love you back. Thank you for believing.”
Ang tono ng Fast Forward ay R&B na pinagtulungang sulatin ng tatlong magkakaibigan at isinulat naman sa Tagalog ni Vehnee Saturno na inareglo ni Marcus Davis Jr..
Isang inspirational na kanta ang Fast Forward at ipinagdiriwang nito ang kapangyarihan ng bawat Filipino para sa ikauunlad ng bansa.
Unang napakinggan ang Fast Forward sa radyo noong Agosto 1 mismong araw ng pag-endoso kay Mar bilang Presidential candidate ng Liberal Party.
“Ito ang aming paraan para ipakita ang aming tiwala at suporta kay Mar bilang karapat-dapat na Presidential candidate,” sabi ni Billy.
Kuwento naman ni Kris, “Alam namin na kaya niyang magdulot ng marami pang pagbabago para sa bansa. In producing this song, we hope to help the youth in understanding the importance of their responsibilities as voters. Hangad namin na ma-realize nila na nasa kanila ang kapangyarihang magdesisyon para magkatotoo ang pagbabago.
“The song is our gift to Mar, and surprisingly, it came to us in a flash of inspiration and was done in 30 minutes. It is our calling as artists to channel that inspiration into something positive. Suwerte rin kami dahil sinuportahan kami ni Tito Vehnee Saturno. He helped us translate the original English lyrics to a more moving Tagalog song.
“Nararamdaman ko ang sincerity ni Mar every time he talks about us Filipinos. I immediately got inspired to write the song with Kris and Billy. We came up with the song to support Mar’s vision for the country as we believe in the many causes he is advocating,” pahayag naman ni Jay R.
At dahil sa catchy tune at uplifting message nito ay madalas patugtugin ang Fast Forward sa radyo at umakyat kaagad sa charts ng pinakamaiinit na OPM radio stations ng bansa.
FACT SHEET – Reggee Bonoan