Tuesday , December 5 2023

Lebron James balik-MoA arena

051415 Lebron James
ANG Mall of Asia Arena sa Pasay City ang magiging venue ng pagbabalik ni Cleveland Cavaliers superstar LeBron James sa Pilipinas sa Agosto 20.

Sa nasabing petsa ay iaanunsiyo ang mga 12 na miyembro ng Nike Rise team kung saan si James mismo ay magbibigay ng mensahe sa kanila.

Makakasama ni James ang pinuno ng Nike Rise na si dating Gilas Pilipinas coach Chot Reyes at mapapanood ito sa TV5 sa Agosto 30, alas-sais ng gabi.

Unang nagdaos si James ng basketball clinic sa MOA Arena noong Hulyo 2013 na ang Nike din ang naging sponsor niya.

Magsisimula ang “Rise Beyond Belief” ni James sa alas-siyete ng gabi sa MOA Arena at magbubukas ang mga pinto ng venue sa alas-sais.

Ang mga nais na manood ay puwedeng mag-register sa www.nike.com/rise simula ngayong alas-nuwebe ng umaga hanggang hatinggabi.

Samantala, bukod kay James ay nakatakda ring bumisita sa bansa ang iba pang mga NBA superstars tulad nina Steph Curry ng Golden State Warriors, Ricky Rubio ng Minnesota Timberwolves, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at Danny Green ng San Antonio Spurs.

(James Ty III)

About James Ty III

Check Also

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 …

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *