Thursday , December 5 2024

Hirit sa anti-dynasty law, ‘palipad-hangin’ lang ni PNoy?

00 Abot Sipat ArielMATINDI ang panawagan ng mga Bulakenyo para maipatupad sa buong Filipinas ang batas kontra dinastiya o ang paghahari ng iisang angkan sa larangan ng politika. Isang magandang halimbawa ng dinastiya ang kasuwapangan ni Vice President Jejomar Binay na kung ilang dekada nang naghari sa Makati City, gusto pang tularan si dating diktador Ferdinand Marcos na president for life sa panukalang “unliterm” kapag naluklok siya sa Malakanyang.

Kung hindi ba naman first class na gahaman, bise presidente na si Binay, dating mayora ng Makati ang kanyang misis, nasuspindeng alkalde ang anak na si Junjun, kongresista ang isa pang anak na si Abigail at senadora ang madalas tuligsain sa social media na ‘mukhang kasambahay’ na si Nancy. Malinaw pa sa sikat ng araw na ayaw tumama sa kulay-apulid na mga budhi na dinastiya ang gusto ng pambato ng oposisyon.

Pero sa Bulacan na kilala ring may ilang pamilyang naghaharing uri sa politika, nanawagan ang isang lokal na mambabatas sa Kongreso na ipasa na ang anti-political dynasty law bilang suporta sa pahayag ni Pangulong Aquino sa State of the Nation Address (SONA) nito na kailangan na ang batas na magbabawal sa pagtakbo sa politika ng mga magkakamag-anak.

Sabi nga ni 1st District of Bulacan Board Member Michael  Fermin, chairman ng Board Member’s League of Central Luzon at nagtapos ng abogasiya, malaking bagay ang suporta ni PNoy sa pagpasa ng anti-political dynasty law para umusad ito sa Kongreso bago dumating ang eleksiyon 2016. Pero maraming kritiko ang pumuna na suntok ito sa buwan dahil marami ring nasa Liberal Party ang miyembro ng kanya-kanyang dinastiya sa kanya-kanyang probinsiya.

Ayon kay Fermin, napapanahon na ang pagpasa ng anti-political dynasty bill “upang matuldukan na ang monopolyo sa politika” na iilang pamilya lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong maglingkod sa bayan. Nilinaw niya na matagal nang idinidikta ng Konstitusyon ang pagbabawal sa political dynasty sa bansa pero sa mahabang panahon ay walang naipapasang enabling law na magbabawal rito kaya hindi naipatutupad.

Dagdag ni Fermin: “Nakalulungkot na dalawang dekada ang lumipas nang pagtibayin ng taumbayan ang 1987 Constitution nguniy hanggang ngayon ay hindi pa naipapasa ang anti-political dynasty law. Maraming mga angkan ng politiko ang nananatili sa puwesto sa loob ng ilang dekada, at pinagpasa-pasahan mula sa lolo hanggang sa apo ang karapatan na manungkulan sa bayan na dapat sana ay ibinabahagi sa ibang may kakayahan sa paglilingkod.” 

Sana nga, dumami ang katulad ni Fermin sa Bulacan pero huwag siyang umasa na igigiit ni PNoy sa Kongreso ang isang batas laban sa dinastiya. Maaaring “palipad hangin” lamang ito dahil mula rin sa isang dinastiya si PNoy mismo at ang inendorso niyang kandidatong pangulo ng LP na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. O hindi ba?

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *