31 pamilya inilikas dahil sa sinkhole


sinkholeINILIKAS ang 31 pamilya mula sa Purok Tinago, Dadiangas South, General Santos City dahil sa hinihinalang sinkhole malapit sa dalampasigan.

Kwento ng mga residente, bandang 5 a.m. nitong Linggo nang biglang dumausdos ang buhangin sa dagat.

Unti-unti na ring nilalamon ng tubig-dagat ang buhanging kinatitirikan ng haligi ng ilang bahay.

Pansamantalang mananatili sa covered court ng Irineo Santiago National High School sa Metro Dadiangas ang naapektohang mga residente.

Ipinagbawal na rin ng mga awtoridad ang pagpasok sa lugar habang sinisiyasat ang sinasabing sinkhole at tinutukoy ang lawak at laki nito.