Friday , March 24 2023

Pag-etsapuwera kina Roxas at Espina, masyadong sablay — Lacson

roxas espinaNilinaw ni dating Senador Panfilo Lacson na hindi totoong walang chain of command sa Philippine National Police at nilabag ito nina Pangulong Aquino at dating Chief PNP Alan Purisima nang ietsapuwera sina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina sa pulong kaugnay sa operasyon sa Mamapasano, Maguindanao.

Ani Lacson, kahit sibilyan ang karakter ng PNP ay mayroon itong chain of command na nalabag nang inilihim nina Aquino, Purisima at sinibak na PNP-Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napenas kina Roxas at Espina ang operasyon sa Mamapasano nitong Enero 25.

Bago pumasok sa politika, naging Chief PNP si Lacson kaya nilinaw niya na sa ilalim ng chain of command ay may respeto hindi lamang nagmumula sa “bottom to top” kundi dapat sa “top to bottom.”

“Ang ibig sabihin nu’n kung ikaw ay commander in chief o Chief PNP, dapat na obserbahan at respetohin mo rin ‘yung chain of command,” diin ni Lacson. “Sa meeting sa Malacañang noong January 9, silang tatlo lang (Aquino, Purisima at Napenas) lang ang nag-meeting. Nagkaroon ng disrespect sa chain of command dahil kahit naroon si Gen. Purisima ay kailangang naroon din si Gen. Espina.”

“On the part of the President, being the commander in chief, dapat sinabihan o isinama rin niya si Gen. Espina sa meeting na ‘yun kahit kinokonsulta niya si Gen. Purisima,” dagdag ni Lacson na nag-resign nitong Pebrero 10 bilang miyembro ng Gabinete ni Aquino. “The President as commander in chief of all armed and police forces in the country shoul have told Gen. Purisima and Sec. Roxas about the plan to capture or kill Malaysian bomb expert Zulkifli bin Hir, also known as Marwan.”

Ani Lacson, malaki ang pagkakamali nina Aquino, Purisima  at Napenas nang ituloy ang SAF operation nang lingid sa kaalaman ng dapat kasama sa plano na sina Roxas at Espina.

“Ano ang motibo ni Purisima nang sabihan si Napenas na huwag munang sabihan sa SAF operation sina Roxas at Espina?” dagdag ni Lacson. “Wala namang masama sa pagkonsulta kay Purisima pero ang masama ay ang pag-etsapuwera kina Roxas at Espina na posibleng pinag-ugatan ng problema sa koordinasyon sa inilunsad na operasyon sa isang high-value target na si Marwan.”

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply