This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) na isang Filipina nurse mula Saudi Arabia ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV).
Ayon sa DoH, Pebrero 1 nang dumating sa bansa ang hindi pa pinangalanang 32-anyos Filipina.
Pebrero 10 nang i-confine siya sa negative pressure room sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nang makaranas ng lagnat, body pains, ubo at hirap sa paghinga na pawang mga sintomas ng sakit.Β
Sinasabing stable na ang kondisyon ng Filipina ngunit patuloy na mino-monitor. Mananatili sa RITM ang nurse hanggaβt hindi pa siya nagnenegatibo sa MERS-CoV.