This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAKOMPISKA ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Illegal Special Operations Task Group (AIDSOTF) at Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P6 milyong halaga ng cocaine sa inilunsad na buy-bust operation sa isang hotel sa Makati City kahapon.
Ayon kay PNP AIDSOTF spokesperson, Chief Inspector Roque Merdeguia, nasa dalawa at kalahating kilo ng cocaine ang nakuha mula sa isang Mexicano na pinaniniwalaang miyembro ng Senaloa drug cartel.
Sinabi ni Merdeguia, tinatayang nasa P6 milyon ang halaga ng nasabat na cocaine.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon at imbestigasyon ng PNP AIDSOTF at PDEA sa lugar.