This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TINIYAK ni PNP OIC chief Police Deputy Director General Leonardo Espina, in-placed na ang kanilang inihandang contingency plan sakaling hindi sumunod sa protocol si Pope Francis.
Ayon kay Espina, inaasahan na rin ng mga awtoridad ang posibleng hindi pagsunod sa protocol ng Santo Papa kaya’t minabuti nilang maghanda ng contingency measures.
Sinabi ni Espina, puspusan ang kanilang paghahanda sa seguridad sa pagdating ni Pope Francis at nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Inihayag ng heneral na dapat din nilang i-adopt kung ano ang gagawin ng Santo Papa.
Mahigpit din ang kanilang koordinasyon sa security ni Pope Francis na Swiss guards na mangangalaga sa interior security ng Santo Papa, habang nakatutok sa external security ang PNP at AFP na tututukan ang mga dadalo sa mga aktibidad ng Catholic Pontiff.
Nilinaw ni Espina, wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ng Santo Papa ngunit mas mainam na maging handa ang mga awtoridad.