Friday , November 1 2024

Pagsasaayos ni Roxas sa PNP, napakahalaga — Lacson

102614 pingPinuri ni Presidential Adviser for Rehabilitation and Recovery (PARR) at dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Secretary Panfilo Lacson si Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa pagpa-patupad ng mga reporma upang linisin at disiplinahin ang hanay ng pulisya.

“Dahil sa nakaprograma, sadya at tuloy-tuloy na operasyon ng PNP na ipinatupad ni Sec. Roxas, pinagbuti ng pulisya ang pagganap ng kanilang mga tungkulin,” ani Lacson sa talumpati sa mga pulis noong Lunes na National Ethics Day.

“Dapat na maging ins-pirasyon ng mga mamamayan at maging ng pulisya ang pamumunong tapat at marangal,” diin ni Lacson na pinayuhan si PNP OIC Deputy Director General Leonardo Espina na ibalik ang respeto at dangal na dating taglay ng mga pulis.

Sa maikling seremonya, naging saksi sina Roxas at Lacson sa turnover ng may 1,500 baril na gagamitin sa mga pagsasanay na nakatakdang isagawa ng mga pulis ngayong taon.

Sinabi naman ni Roxas sa paglulunsad ng OPLAN Lambat-Sibat noong nakaraang taon na layunin nitong ibalik ang tiwala ng taumbayan sa kanilang tagapagtanggol ng buhay at seguridad.

“Kung mas mabuti ang pagpupulis, mas maraming kriminal ang mahuhuli, mas kakaunti ang krimeng magaganap at lalong magtitiwala ang mga mamamayan sa kakayahan ng pulisya,” paliwanag ni Roxas.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *