Thursday , November 14 2024

BI handa na sa pagdating ng Santo Papa

121314 pope francisKABILANG ang Bureau of Immigration sa mga punong-abala sa paghahanda ng seguridad sa pagdating ng Santo Papa kasunod ng binuong  special task force na ang pangunahing layunin ay matiyak ang seguridad  ni Pope Francis.

Ayon kay BI Commissioner Siegfred Mison, ang task force na tatawaging Task Unit Immigration ang mangangasiwa para matiyak na magiging maayos ang immigration services at intelligence operations sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis.

Pangunahing tungkulin aniya ng Task Unit Immigration na tiyaking mabibigyan ng tamang immigration service, technical and intelligence support si Pope Francis at ang kanyang entourage.

Nabatid kay Mison na noon pang Oktubre, sinimulan ng kanyang ahensiya  ang paghahanda gaya ng pagkakaloob ng pagsasanay sa mga miyembro ng Task Unit, survey at inspection sa area.

Binalaan ni Commissioner Mison  ang mga dayuhang terorista at mga human trafficker na magsasamantala sa sitwasyon na sila ay hindi papayagang makaporma sa mga paliparan at hindi rin sila papayagan na makapasok sa bansa.

Magtatalaga rin aniya ng sapat na bilang ng mga immigration personnel sa Maynila at Tacloban na destinasyon ng Santo Papa.

Tiniyak ng immigration chief na ilalagay sa full force ang BI sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis.

Edwin Alcala

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *