PUMALO na sa P3.1 billion ang halaga ng pinasala na iniwan ng bagyong Ruby sa impraestruktura at agrikultura at mga ari-arian sa Filipinas.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, kabilang sa pinsala ang P1.9 bilyon sa agrikultura habang nasa P1.2 bilyon sa impraestruktura.
Umakyat na rin sa mahigit P43,000 ang bilang ng mga bahay na nasira kabilang ang 8,192 na tuluyang nawasak.
Sa tala ng NDRRMC, nasa 11 na ang bilang ng mga kompirmadong namatay taliwas sa ulat ng Philippine Red Cross na umabot sa 27.
Nabatid na lumobo pa sa 2.7 milyon katao ang naapektohan ng kalamidad habang 1.4 milyon indibidwal ang nananatili sa loob ng evacuation centers.
Grace Yap