Thursday , June 4 2026

P3-M cash, alahas ni Agot Isidro natangay ng dugo-dugo gang

120914 agot isidroWALA pang pahayag ang singer-actress na si Agot Isidro kaugnay sa report na nawalan siya ng tinatayang P3 million cash at jewelry makaraan mabiktima ng “dugo-dugo gang” sa Quezon City nitong weekend.

Inihayag ni PO2 Marlon dela Vega ng QC Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naloko ang kasambahay ni Isidro na si Maenelyn Omapas nang makatanggap ng phone call sa isang ‘di kilalang babae.

Sinabi ng suspek kay Omapas na nasangkot sa vehicular accident ang 48-year-old singer/actress at kailangan ng pera para makipag-ayos sa isang Ana Chua.

Agad sinunod ng nasabing kasambahay ang suspek, nagtungo sa Wilcon Home Depot store sa Balintawak at ibinigay ang pera at mga alahas ng amo.

Pagkauwi sa bahay, nabatid ng kasambahay na nasa trabaho pa ang kanyang amo.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …