Tuesday , December 10 2024

LBC Kamuning hinoldap

PINASOK at hinoldap ng nag-iisang holdaper na nagkunwa-ring kustomer at tinangay ang tinatayang aabot sa P25,000 kita ng LBC kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Kamuning Police Station 10, ang hinoldap na LBC ay matatagpuan sa Kamuning Road, corner T. Gener, Brgy. Kamuning sa lungsod.

Ayon kay Mark Anthony Constantino, 30, customer associate ng LBC, dakong  6:35 a.m. nang pasukin ang LBC ng suspek.

Dahil 7 a.m. pa ang bukas nito, pinaupo muna ni Constantino ang suspek sa cutomer’s area, saka siya bumalik sa loob ng opisina para kumuha ng pa-malit na pera.

Nang bubuksan na ni Constantino ang cash box, biglang sumunod ang suspek sa kanya at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap at kinuha ng pera.

Nang makuha ang pakay ay sumibat ang suspek sakay ng isang motorsiklo palayo sa lugar.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *