Tuesday , October 15 2024

Staff ng SC Justice inaakusahan ng P10-M bribery sa drug case?

PUMUNTA sa aking tanggapan last Wednesday afternoon ang isang Amor Angeles para isiwalat ang isyu ng bribery/extortion laban sa abogado na umano’y staff ng isang Justice ng Korte Suprema.

Ayon kay Angeles, nagpakilalang isang consultant, ang kanyang kliyente na pamilya ng isang Marco Alejandro ng Laguna, na nakakulong sa kasong droga sa Leyte Colonia (Leyte Regional Jail), ay nilalakad na mapawalang-sala o mabaligtad ang naging hatol na life imprisonment matapos mahulihan ng droga na 98.5 grams noong 2007 sa Laguna.

Isang kaibigan umano ang nagturo kay Angeles para lapitan ang isang abogado na staff ng isang Justice ng Korte Suprema.

Nang magkakilala, sinabi ni Angeles na hiningan sila ng nasabing abogado ng P10-M para maayos ang kaso ni Alejandro.

Ibinigay daw nila ang halagang ito sa pamamagitan ng instalment bases – unang bagsak ay P800K, sumunod ay P700K, tapos ay P5M at ang last ay P3.5M. Sa Max’s Restaurant sa J. Bocobo, Malate sila nagkikita no’ng abogado na kumukuha ng pera. Nakompleto ang P10-M nang bigyan na sila ng kopya o xerox ng decision ng pagpapawalang-sala ng Korte Suprema kay Alejandro.

Pero nang alamin daw nila sa rekord ng Supreme Court ay walang ipinalabas na desisyon ang Kaatas-taasang Hukuman tungkol sa pagpapalaya sa nabanggit na convicted drug pusher.

Sa madali’t salita, peke ang desisyon na ipinakita ng abogado kay Angeles.

Nang puntahan daw ni Angeles ang abogado sa tanggapan ng amo sa Korte Suprema kamakailan ay dinenay na tumanggap ng P10-M sa naturang kaso ni Alejandro.

Ayon kay Angeles, sasampahan nila ng kasong bribery/extortion ang naturang abogado na may initial na A.C.

Susulat rin daw sila kay Chief Justice Sereno tungkol sa isyung ito.

Bibigyan n’ya raw tayo ng kopya ng demanda at sulat kapag nagawa na nila.

Abangan!

Pasay City Hall

sige pagtanggap

ng casual di naman

nagpapasuweldo

– Sir Joey Venancio, hinaing lang namin itong ginagawa ng Pasa City Hall. Wala na ngang perang pangpasahod sa mga empleyado, tanggap pa nang tanggap ng mga casual at J.O.. Wala namang pangsahod. Casual at J.O na di pumapasok mas marami kesa sa nagtatrabaho talaga. Paki-kalampag naman si Mayor Calixto. – 09997305…

Pulis na si Castillo kotong

sa TODA sa Mabini

– Sir Joey, reklamo ko po kay Mayor Erap ang pulis na si Castillo dito sa San Andres area, Manila. Nanghihingi siya ng intelihensya sa lahat ng pila dito sa Quirino, Mabini at P. Ocampo. Tuwing Sabado siya nangongolekta. Ang kapal ng mukha ng pulis na ito. – TODA, Mabini

Grabeng droga sa Urdaneta City, mga moros ang tulak

– Magandang araw po. Sana po bago mahuli ang lahat, dito sa amin sa lungsod ng Urdaneta ay sobrang talamak na ang bentahan ng droga. Mga moros po ang naglalako ng shabu. Lantaran na talaga. Pumapatay pa sila. Walang humuhuli sa kanila. Kasi mga “alaga” sila ng mayor mula pa sa ama nito na naging mayor din. Kaya po sana ay mag-operate dito ang PDEA. Naniniwala po kami na mga opisyal din dito ang sangkot sa paglaganap ng droga dito sa aming bayan. Pls. lang po huwag nyong ilathala ang numero ko. Delikado. – Concerned citizen

Mga tulak sa Brgy. Halang,

Poblacion 4A, Imus, Cavite

– Sir Joey, talamak na po ang bentahan ng shabu dito sa Barangay Halang, Poblacion 4A, Imus, Cavite. Pati barangay officials dito may lagay na sa tulak laluna kapulisan. Kaya walang huli ang mga tulak dito. Ang dalawang pinakamatinding tuak dito ay sina alyas Komang at alyas Udog. Sana makarating ito sa PDEA o NBI at mahuli na sila. Paki-secret nalang po ng numero ko. Salamat po, Mr. Venancio. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Cedrick Juan Zion Cruz

Cedrick at Zion Cruz maghahatid kakaibang husay sa pag-arte

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING naka-iskor si Cedrick Juan dahil tinatangkilik ang family drama na kina-aaniban …

Alex Gonzaga Mami Pinty Daddy Bonoy Chef Aybs Paragis

Alex ‘di na mahihirapang magbuntis, miracle tea nadiskubre

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio DEADMA na sa mga basher at hindi na nagpapadala sa pressure …

Win Gatchalian DepEd MTB-MLE

MTB-MLE agad ipinatitigil ni Gatchalian sa DepEd

NGAYONG mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium …

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

PINALAWAK ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) SEDA Pilipinas …

Alan Peter Cayetano DENR

Cayetano sa DENR  
RECLAMATION PROJECTS TUTUKAN

DAPAT magsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng komprehensibong pagsusuri sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *