Wednesday , October 9 2024

Mga naka-payola sa NPC ilabas na rin!

00 Bulabugin JSY

INILABAS na ni Rehabilitation czar Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanyang NAPOLES LIST na ang source ay ang kanyang kapwa ‘AYER na si Jimmy Napoles, ang esposo ni Janet Lim Napoles.

Ito raw ‘yung listahan na walang pirma ni Janet at hindi notaryado pero inilabas pa rin ni Pinky ‘este’ Ping Lacson.

Pero meron pa nga raw Napoles List si Justice Secretary Leila De Lima at meron pa rin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Pero ang tatlong listahan ay mayroong pagkakaiba.

Hindi natin alam kung ano ang objective ng paglalabas ng listahan ni Rehab czar Ping — to OVERKILL the list of Secretary Leila? To discredit the whistleblowers or palabuin ang sitwasyon hanggang mawalan ng kredebilidad ang imbestigasyon?!

Anyway, nagtatanong na opinyon lang naman ‘yan. Pero habang isinusulat natin ito, sinabi na ni Secretary De Lima na ang Napoles list na walang pirma at hindi notaryado ay BASURA lang umano.

So ibig sabihin, walang kwenta ‘yang listahan na ‘yan ni Rehab czar Ping.

Kahit itanong pa ninyo kay Senator Miriam Defensor Santiago.

Pero higit sa lahat, mas interesado tayo sa ‘HARD DRIVE’ ni BENHUR LUY.

Nasa hard drive raw kasi ni Benhur Uy ang tunay na listahan ng mga nakinabang at sangkot sa PORK BARREL SCAM na bukod sa mga mambabatas at government agencies’ officials  ‘e kinabibilangan daw ito ng ilang MEDIA personality.

‘Yan daw ‘yung tinatawag na ‘PAYOLA’ sa NAPOLES PRESS CLUB (NPC).

O pigilan n’yo muna ang ALTA PRESYON ninyo – NPC as in Napoles press club hindi National ‘power-hungry’ este Power Corporation.

Ilabas na ‘yang listahan at ILANTAD ‘yang PAYOLA sa Napoles press club!

PCSO ADS PLACEMENT DAPAT NA RIN IMBESTIGAHAN

NGAYONG nagbitiw na si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outgoing chairperson Margie Juico, palagay natin ay dapat na rin busisiin ang  PCSO ads (advertising) placement sa iba’t ibang media outlet (print, radio and television).

Nand’yan kasi sa ads placement na ‘yan ang daan-daang milyong gastos ng PCSO gayong kung tutuusuin ‘e libre lang naman ang paglalabas ng resulta ng LOTTO sa iba’t ibang pahayagan.

Isa sa mga ipinagtataka natin ‘e kung bakit ang sipag maglagay ng ads ng PCSO sa ibang media outlet.

Sa print media ay nagbibigay sila sa mga d’yaryong hindi naman binabasa ng mga batayang mananaya sa lotto.

Sa radyo naman, may estasyon na ang ads

placement ng PCSO ay mula sign in hanggang sign out.

Pero ‘yung ibang solicitor, na maswerte nang makapasok sa butas ng karayom ‘e hindi pa makakuha ng ad placement.

Alam mo ba ang nangyayaring ‘yan Ms. JENNY?!

Sa info na nakarating sa atin, hindi bababa sa 20 milyones kada buwan ang ginagastos ng PCSO sa mga placement ads nila. Aba, ang daming maipagagamot sa perang ‘yan!

Isa pang dapat imbestigahan diyan sa PCSO ADS ay ang napakatagal ng pagbabayad nila sa kanilang ads placement na maswerte ka na kung makasingil ka sa loob ng isang taon.

Pero kung may right konek ka sa loob ay laging on-time ang release ng tseke mo.

Tama ba ako Ms. Jenny?

Mesdames SOJ Leila De Lima, COA Grace Pulido Tan, isunod na ninyong imbestigahan ‘yang PCSO!

NAIA TERMINAL 2 LUMALAGABLAB DIN  SA MASAMANG  TEMPERATURA

HINDI na ako nagtataka kung bakit mara-ming foreigners, mga balikbayan at mismong mga Pinoy na nagto-tour ang nahihiya talaga sa itsura ng ating Airport.

Ang hirap talagang maipagmalaki kasi simpleng pagpapalamig lang ng temperature sa loob ng mga gusali ng Airport ‘e hindi pa mamantina ng terminal managers.

Gaya na lang nitong Biyernes, grabe ang INIT sa Immigration departure Immigration area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Nang tanungin natin kung bakit, e sira daw ‘yung dalawang SPLIT TYPE na air conditioning unit.

Ganun din sa arrival area,kahit sa gabi grabe ang init.

Tsk tsk tsk  …

Wala man lang bang pamibili ng IWATA cooling fan ang NAIA para i-boost ang temperature sa loob ng Airport para sa kapakanan ng mga pasaherong nagbabayad ng terminal fee at travel tax?

Pati ‘yung mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya sa airport, tagaktak ang pawis.

‘E di ba summer nga!? Hindi man lang ba nila naisip na kailangan may alalay ‘yung air conditioning system nila?

Problema lang ng air conditioning unit kailangan pa bang pakialaman ng MIAA general manager ‘yan?

Ano hinihintay ng terminal 2 manager? Dumaan si PNoy at muling humingi ng dispensa sa mga pasahero dahil sa PALPAK na air conditioning system?

Baka sa grabeng init d’yan ‘e isang araw mabalitaan natin na may nagwalang foreigner dahil sa sobrang init.

Hihintayin pa ba ng NAIA Terminal 2 authorities na magkaroon ng ganyang insidente?

Umaksyon naman kayo!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

DMFI Partylist Daniel Fernando

 DMFI Partylist nag-file ng COC 

SA ika-pitong araw, ang mga kinatawan ng Damayang Filipino Movement Incorporated (DMFI) mula sa lalawigan …

Cynthia Villar Manny Villar Mark Villar Camille Villar

Dahil sa adbokasiyang agrikultura  
KONGRESO HINDI CITY HALL TARGET NI SENADORA CYNTHIA SA 2025 LOCAL ELECTIONS

BITBIT ang kanyang ipinagmamalaking adbokasiya para sa agrikultura, tila nagpatutsadang sinabi ni Senator Cynthia Villar …

Imelda Aguilar April Aguilar Alelee Aguilar

Walang atrasan
PAMILYA AGUILAR NAGHAIN NG COC PARA SA LOKAL NA ELEKSIYON SA 2025

OPISYAL nang naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina incumbent Mayor Mel Aguilar, Vice …

Aileen Claire Olivarez ACO

Nakukulangan sa aksiyon ni mister,
MISIS NAGHAIN NG KANDIDATURA PARA ALKALDE NG PARAÑAQUE

IT’S women’s world too!          Tila ito ang binigyang diin ng paghahain ng certificate of …

Lani Cayetano

Taguig incumbent mayor naghain ng kandidatura para sa dating posisyon

SABAY-SABAY na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang Team TLC sa pangunguna ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *