Friday , October 4 2024

Paging Erap! Paging, Gen. Asuncion!

Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you. — Ephesians 4:32

SANG-AYON tayo sa pakikiisa ng barangay at pulisya sa pagsugpo ng krimen.

Magandang tandem ang dalawa ahensya ng gobyerno kaya nabuo ang programang barangay at pulisya laban sa krimen.

Magkasanga kontra krimen!

***

PERO ibang usapan na kung ang dalawa ay mag-tandem hindi sa pagsugpo ng krimen kundi magkasapakat sa paggawa ng krimen!

Susme, wala kang kawala sa kanilang crime duo!

***

ITO kasi ang nangyari kay Milo Ilumin ng Brgy 186 Zone 16 ng Dagupan Extension, Gagalangin, Tundo.

Huwebes Santo ng Abril 17, bandang 2:00pm naglalakad si Ilumin sa kahabaan ng Hermosa Street, malapit sa daang riles nang tawagin siya ni Lauro Leonilo Loleng, isang barangay ta-nod team leader. Habang papalapit siya kay Loleng ay bigla siyang sinalubong ng isang lalaki na nagpakilalang pulis-Maynila.

***

KINAPKAPAN siya ng naturang pulis na kinilalang si PO3 Jeriton Tolentino, naka-assign sa PCP Hermosa. Nagulat siya sa ginawa ng pulis sabay kuha sa kanyang bulsa ng P950.

Nang tanungin ni Ilumin kung bakit, sinabi umano ng pulis na: Galing ka bang tupada? Su-magot si Ilumin na: Hindi po Sir! Pambili ko po ‘yan ng gatas ng anak ko!

***

SUBALI’T sa kabila ng kanyang pagsasabi pambili ng gatas kinuha pa rin ang pera at halagang P150 na lamang ang ibinalik ng pulis sa kanya.

Ganoon din ang ginawa ng brgy tanod na si Loleng sa kabilang bulsa naman ay kinuha rin ang kanyang pera. Sa kabuuan ay halagang P1,900 ang nakulimbat na salapi sa biktima.

***

SA salaysay-reklamo ni Ilumin kay Special Project coordinator Johnny Balani ng Manila Barangay Bureau (MBB) inilrawan niya ang ginawa sa kanya ng dalawang tulisan bilang isang uri ng “hulidap.”

Aniya: “Nakiusap po ako sa dalawang taong humoldap sa akin na kung puwede po ay maisauli o balik po sa akin ang perang pinagpawisan at pinaghirapan ko pong kitain…..” Pero hindi rin ibinalik ang kanyang pera.

Dios mio mga walang patawad!

Modus: Hulidap!

MGA Kabarangay, isang uri ng modus na “hulidap” matatawag ang nangyari kay Ilumin.

Una, kung may may tupadahan nagaganap sa barangay, ang pulis at barangay ang unang nakakaalam nito at res-ponsabilidad nilang buwagin o hulihin sa akto ang mga kalahok sa tupada.

NGUNI’T sa kaso ni Ilumin, wala ito sa tupadahan nang sitahin nila ang biktima.

Nakasibilyan lamang din ang pulis na si Po3 Tolentino nang sitahin niya si Ilumin, wala rin nakitang anomang ebidensyang nakuha sa kanya ang pulis at tanod team leader na si Loleng.

Modus na hulidap ito!

BGY CHAIRMAN RENE MASLOG, ANYARE?!

ALAM kaya ni Brgy 186 Chairman Rene Maslog na may nagaganap na “hulidap” sa kanyang barangay at kasapakat pa ang kanyang pinagpipitagang mga barangay tanod?

Ano naman kaya ang magiging hakbang ng MPD Station 7 Commander laban sa kanyang nasasangkot na tauhan?

ABA, kung walang magiging aksyon ang dalawang opisyal, puwede ba dating Pangulong Erap at MPD General Rolando Asuncion, kayo na ang makialam sa usaping ito?

Hindi biro ang kasong ito, pobre o mahirap na pamilya ang nagrereklamo dito.

Patunayan ninyo na kayo ay maka-hirap!

TANGING INA N’YO!

PASALAMATAN muna natin ang lahat ng mga Ina sa buong mundo, na nagtyagang mag-aruga, magpalaki sa ating lahat.

Kahapon ang kanilang natatanging araw—Mother’s Day. Hindi ko makakalimutan ang pagsisikap at pagtatyaga ng aking Ina na mairaos kami magkakapatid sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Sila ang tunay na ilaw ng tahanan!

***

KAYA kahit wala na siya sa aming piling ay nasa puso pa rin namin ang kanyang wagas na pagmamahal sa amin.

Sa mga naririyan pa ang kanilang magulang lalo na ang inyong Ina, naku, napakasuwerte ninyo! kaya ibigay n’yo na ang lubos na pagmamahal hanggang sila ay buhay pa. Nag-iisa lamang ang inyong Ina, may kasabihan nga na ang anak ay napapalitan pero ang magulang ay hindi.

Sabihin n’yo na ngayon pa lang: Inay, katangi-tangi ka Ina!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya Be kind and compassionate to one another, forgiving each other, just as in Christ God forgave you. — Ephesians 4:32

SANG-AYON tayo sa pakikiisa ng barangay at pulisya sa pagsugpo ng krimen.

Magandang tandem ang dalawa ahensya ng gobyerno kaya nabuo ang programang barangay at pulisya laban sa krimen.

Magkasanga kontra krimen!

***

PERO ibang usapan na kung ang dalawa ay mag-tandem hindi sa pagsugpo ng krimen kundi magkasapakat sa paggawa ng krimen!

Susme, wala kang kawala sa kanilang crime duo!

***

ITO kasi ang nangyari kay Milo Ilumin ng Brgy 186 Zone 16 ng Dagupan Extension, Gagalangin, Tundo.

Huwebes Santo ng Abril 17, bandang 2:00pm naglalakad si Ilumin sa kahabaan ng Hermosa Street, malapit sa daang riles nang tawagin siya ni Lauro Leonilo Loleng, isang barangay ta-nod team leader. Habang papalapit siya kay Loleng ay bigla siyang sinalubong ng isang lalaki na nagpakilalang pulis-Maynila.

***

KINAPKAPAN siya ng naturang pulis na kinilalang si PO3 Jeriton Tolentino, naka-assign sa PCP Hermosa. Nagulat siya sa ginawa ng pulis sabay kuha sa kanyang bulsa ng P950.

Nang tanungin ni Ilumin kung bakit, sinabi umano ng pulis na: Galing ka bang tupada? Su-magot si Ilumin na: Hindi po Sir! Pambili ko po ‘yan ng gatas ng anak ko!

***

SUBALI’T sa kabila ng kanyang pagsasabi pambili ng gatas kinuha pa rin ang pera at halagang P150 na lamang ang ibinalik ng pulis sa kanya.

Ganoon din ang ginawa ng brgy tanod na si Loleng sa kabilang bulsa naman ay kinuha rin ang kanyang pera. Sa kabuuan ay halagang P1,900 ang nakulimbat na salapi sa biktima.

***

SA salaysay-reklamo ni Ilumin kay Special Project coordinator Johnny Balani ng Manila Barangay Bureau (MBB) inilrawan niya ang ginawa sa kanya ng dalawang tulisan bilang isang uri ng “hulidap.”

Aniya: “Nakiusap po ako sa dalawang taong humoldap sa akin na kung puwede po ay maisauli o balik po sa akin ang perang pinagpawisan at pinaghirapan ko pong kitain…..” Pero hindi rin ibinalik ang kanyang pera.

Dios mio mga walang patawad!

MODUS: HULIDAP!

MGA Kabarangay, isang uri ng modus na “hulidap” matatawag ang nangyari kay Ilumin.

Una, kung may may tupadahan nagaganap sa barangay, ang pulis at barangay ang unang nakakaalam nito at res-ponsabilidad nilang buwagin o hulihin sa akto ang mga kalahok sa tupada.

NGUNI’T sa kaso ni Ilumin, wala ito sa tupadahan nang sitahin nila ang biktima.

Nakasibilyan lamang din ang pulis na si Po3 Tolentino nang sitahin niya si Ilumin, wala rin nakitang anomang ebidensyang nakuha sa kanya ang pulis at tanod team leader na si Loleng.

Modus na hulidap ito!

BGY CHAIRMAN RENE MASLOG, ANYARE?!

ALAM kaya ni Brgy 186 Chairman Rene Maslog na may nagaganap na “hulidap” sa kanyang barangay at kasapakat pa ang kanyang pinagpipitagang mga barangay tanod?

Ano naman kaya ang magiging hakbang ng MPD Station 7 Commander laban sa kanyang nasasangkot na tauhan?

ABA, kung walang magiging aksyon ang dalawang opisyal, puwede ba dating Pangulong Erap at MPD General Rolando Asuncion, kayo na ang makialam sa usaping ito?

Hindi biro ang kasong ito, pobre o mahirap na pamilya ang nagrereklamo dito.

Patunayan ninyo na kayo ay maka-hirap!

TANGING INA N’YO!

PASALAMATAN muna natin ang lahat ng mga Ina sa buong mundo, na nagtyagang mag-aruga, magpalaki sa ating lahat.

Kahapon ang kanilang natatanging araw—Mother’s Day. Hindi ko makakalimutan ang pagsisikap at pagtatyaga ng aking Ina na mairaos kami magkakapatid sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Sila ang tunay na ilaw ng tahanan!

***

KAYA kahit wala na siya sa aming piling ay nasa puso pa rin namin ang kanyang wagas na pagmamahal sa amin.

Sa mga naririyan pa ang kanilang magulang lalo na ang inyong Ina, naku, napakasuwerte ninyo! kaya ibigay n’yo na ang lubos na pagmamahal hanggang sila ay buhay pa. Nag-iisa lamang ang inyong Ina, may kasabihan nga na ang anak ay napapalitan pero ang magulang ay hindi.

Sabihin n’yo na ngayon pa lang: Inay, katangi-tangi ka Ina!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes..

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *