Thursday , June 1 2023

Congratulations Pnoy at Depcom Nepomuceno

NAPAKAGANDA ng ginawa ni Pangulong Noynoy sa pagbisita ni US President Barrack Obama sa kanyang state visit sa Pilipinas.

Nakita natin kung gaano kabilis, katalino na sumagot si Pangulong Noynoy sa joint press conference sa Malakanyang.

Talagang nakita natin kung paano ipaliwanang ni Pangulong Noynoy ang ating karapatan sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Talagang alert ang kanyang pag-iisip.

Matagal ko nang hinahangaan si PNoy sa kanyang tatag sa pakikipagpulong sa mga pangulo sa iba’t ibang bansa at ngayon ang pinakamatindi sa pakikipagpulong sa pinamakapangyarihang tao sa buong mundo na si President Obama.

Pinag-usapan din nila ang bilateral cooperation trade at ating ekonomiya.

Talagang d’yan mo makikita na pati si Barrack Obama ay humanga sa kanya at hinangaan ang pagtutulungan ng mga Amerikano at Pilipino noong World War II.

Saludo ako Pangulo sa ginawa mo dahil hinangaan din ni Obama ang mga Pilipino dahil sa kanilang pagsasakripisyo noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

D’yan natin makikita kung gaano mamuno ang ating Pangulong Noynoy.

Kaya sana gayahin ito ng mga opisyales niya na naghahari-harian palagi kasi mayrong mga abusado na kanyang iniluklok na ang tingin nila sa sarili nila ay hari.

Napaka-corrupt nila. Sila ‘yung mga opisyal na laging nababanggit sa pahayagan dahil sa kanilang illegal activities na sobrang corrupt pero masasabi ko lang PNoy is the best.

***

Naopera pala ang aking kaibigan at itinuturing na parang ama na si MIAA GM Angel Bodet Honrado ng quadruple heart bypass at dinalaw siya mismo ng ating kagalang-galang na Pangulong Noynoy.

Ako po ay hindi iba kay GM Honrado dahil doon ako ipinanganak sa Central Azucarea De Tarlac sa Hacienda Luisita na halos lahat ng aking mga kamag-anak, lolo ko, tatay ko, ay halos doon na nagretiro at si Senator Ninoy Aquino pa ang tumulong sa aking tatay noong 1965 nang siya ay madisgrasya sa kanilang planta, kaya malaki po ang utang na loob namin kay Sen. Ninoy.

Ang tatay ko po ay Salgado Dizon na tubong Tarlac, Tarlac at ang aking nanay ay tubong-Pangasinan.

Get well soon Sir Bodet, alam kong isa kang public official na nagtatrabaho para sa bayan.

Kaya magpagaling ka po agad.

God bless po Tataty Bodet Honrado.

***

Congratulations din kay Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno dahil sa kanyang kababaang loob na kahit tinitira siya ng patalikuran ay nagpapakumbaba pa rin siya.

Hindi siya marunong makipag-away lalo pag nakatatanda sa kanya.

May puso siya kasi na nakauunawa.

Hindi naman kaila sa atin na maganda ang kanyang ginampanan noong siya’y Assistant Defense Secretary at ngayon ay Deputy Commissioner ng Enforcement ng BoC.

Kakaiba si Nepomuceno dahil hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa kanyang detractors dahil alam niya na hindi naman siya kapit-tuko sa posisyon at wala kang marinig na alingasngas sa kanya dahil alam ng nakararami na siya’y isang matagumpay na negosyante at maraming negosyo.

Nalulungkot lang siya minsan dahil sa sobrang siraan sa BoC pero sa kanya ay trabaho lamang ang kanyang ginagawa.

Magaling siyang tao, best manager kung tawagin because he knows how to handle his men and women in the Police force.

Si Nepomuceno ay isang anak na talagang kahit na malayo ang kanyang magulang na nasa ibang bansa ay mahal na mahal niya sa edad 80 anyos pataas ay ginugol niya ang oras niya noong nagbalikbayan ang kanyang mahal na Ina.

Kaya lang kung minsan may mga taga-BOC na hindi mo maintindihan kung insecure ba at bakit takot na takot kay Depcom Nepomuceno.

Para sa kanya ay sinusunod niya ang mandato niya na iniatang sa kanya ni PNoy. Kaya ‘yung mga sumusunod sa kanya na naka-motorsiklo ay monitored na nila dahil marami namang kakampi si Depcom Ariel sa NBI PNP at AFP.

Mabuhay ka Depcom Ariel.

God bless us all!

jimmy Salgado

 

About Jimmy Salgado

Check Also

Moira dela Torre

Moira ipinagtanggol ang sarili: I am not a cheater!

I-FLEXni Jun Nardo PUMIYOK na ang singer na si Moira tungkol sa pasabog ng composer at kaibigan …

LJ Reyes Philip

 LJ Reyes ikakasal na sa non-showbiz BF

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-PROUD ang aktres na si LJ Reyes na ipagmalaki sa kanyang Facebook page ang engagement niya …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *