Friday , June 2 2023

Ang taklesang chairman ng Commission on Elections

00 Bulabugin JSY

AND’YAN ka na naman Commission on Elections (COMELEC) Chairman SixTONG ‘este’ Sixto Brillantes!

Bigla na naman nagtatatalak kamakalawa si Brillantes at pinabababa ang mahigit sa 400 elected officials mula kongreso, probinsiya, s’yudad at munisipalidad dahil hindi umano nagsumite ng kanilang Statement of Election Contributions and Expenditures (SOCE).

Kung pagbabatayan ang reaksiyon nina Gov. VIlma Santos ng Batangas at ni Speaker of the House Sonny Belmonte ‘e lumalabas na hindi man lang kinompirma ni Brillantes ang ulat sa kanya ng kung sinong Herodes.

Nagdududa tuloy ang BULABOG boys na ang pag-iingay ni Brillantes ay isang SPIN ng administrasyon para mailayo ang umiinit na usapin sa balitaktakang Roxas vs Romualdez.

Kasi ba naman hindi pa nga nakokompirma kung ano talaga ang nangyari ‘e bigla mo na namang KINALAMBRE ang elected officials.

Hayan ‘e di nakatikim ka tuloy kay Madam Vilma Santos at Speaker Sonny Belmonte.

Ang sabi nga ni Speaker,  “I’ve checked it and all complaints were merely on technicalities.”

Masyado lang daw OA (over-acting) si Tata Sixto, sabi pa ni Speaker.

O malinaw ‘di ba?!

Pero ang nakadududa, ‘e ang posisyon ni Secretary Mar Roxas. Heto naman ang sabi niya, “We have received the letter from Comelec, and have directed our legal team to write-up the appropriate legal directives. The DILG is committed to implement the law in appropriate manner. This administration is committed to electoral reform.”

Hindi natin alam kung makabubuti kay Secretary MAR ang ganitong mga pahayag mula sa kanya.

Hindi pa humuhupa ang balitaktakan nila ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez heto’t balak na naman niyang bumakbak sa local government units (LGU) na supposedly ay pinoproteksyonan niya.

Mantakin ninyo kung gaano karaming elected officials ang gustong ‘itumba’ ni Brillantes na mukhang susuhayan ni Mar Roxas?

‘Eto po ang bilang … apat na gobernador, isang vice gov, 12 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, 20 congressman, tatlong city mayors, 9 vice mayors, 47 Sangguniang Panglungsod, 23 municipal vice mayors,          23 municipal mayors, 26 municipal vice mayors, 277 members ng Sangguniang Bayan.

Sabi ni Brillantes, sa kauna-unahang pagkakataon ‘e ngayon lang nila ipatutupad ang batas na ito.

Ayon naman kay Gov. Vilma, naghain na siya ng SOCE. Pero hindi na nagbigay ng pormal na feedback ang Comelec kung tama o mali ba ang kanyang SOCE.

Aniya , kung may mali, dapat ‘e pinadalhan siya ng sulat  ng Comelec.

‘Yun yun, Chairman Brillantes!

Kung may nakita kayong problema sa SOCE ng mga elected officials na ‘yan, dapat ‘e antimano ninyong pinasabihan.

Matanong nga kita Chairman Brilliantes, ‘e ‘yung mga kasong isinampa ng ALAM d’yan sa Comelec?!             Kumusta na?! Natulog na?!

Tsk tsk tsk …

Hindi  nakatutulong kay PNoy ang mga tirada ninyo!

UNIVERSAL GIRL CLUB SA PASAY CITY NAMAMAYAGPAG PA RIN

TULOY ang ligaya at mukhang wala nang balak si anti-human trafficking czar VP JOJO BINAY na balikan ang namamayagpag na operasyon ngayon ng UNIVERSAL GIRL CLUB sa F.B. Harrison Pasay City.

Siya ang nagpasara ng nasabing CLUB matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa prostitution at nakahuli ng MENOR DE EDAD.

Ang ipinagtataka lang natin dito, bakit muli na naman namumukadkad ngayon ang UNIVERSAL GIRL CLUB.

Nag-iba lang ng pangalan pero ganoon pa rin. Sandamakmak ang mga bebot na tila mga damit sa department store na pinagpipilian.

Ang galing-galing talaga ng KAMAGANAK Inc., BUHAY na BUHAY sila sa Lungsod ng Pasay.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang …

SM City Bataan

SM City Bataan: Another growth center and gateway to the province

SM City Bataan reflects the values of the local community with over 96% of the …

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *