Monday , May 20 2024

Masonry Layout

Realignment ng pork barrel sa Erap’s admin inamin ni Jinggoy (I did not give it to Mayor Estrada, I gave it to the people of Manila…)

INAMIN ni Senador Jinggoy Estrada kahapon ang ginawa niyang pag-realign sa bahagi ng kanyang P200 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa administrasyon ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada sa ilalim ng Local Government Support Fund. Ayon sa senador, ang realignment ay isinagawa sa amendments sa ginanap na deliberasyon ng 2014 P2.268 trillion national budget sa Senado, …

Read More »

3-anyos todas sa baril ng tatay na sekyu

SAN FERNANDO CITY, La Union – Namatay habang ginagamot sa ospital ang 3-anyos bata na nabaril ang sarili sa pinaglalaruan baril ng ama. Kinilala ang biktimang si Christian Dave Bocarille, nag-iisang anak ni Elpedio Bocarille ng Brgy. Nagsabaran, Balaoan, La Union. Ayon sa pulisya, dakong 12:30 p.m. nitong Enero 7 habang naghahanda ng pananghalian ang mag-asawa, nakarinig sila ng putok …

Read More »

Anak 10 beses ginahasa ama timbog

LA UNION – Makaraan ang sampung taon pagtatago, arestado ng mga awtoridad ang isang ama kaugnay sa sampung beses na paggahasa sa 16-anyos pa lamang na anak noong 2001 sa Brgy. Sta. Rita West, Aringay, La Union. Kinilala ni Senior Insp. Luis Liban, hepe ng Aringay Police Station, ang suspek na si Rogelio Casanova-Mangaoang, 45, residente ng naturang lugar. Ayon …

Read More »

Sputnik nagwala (Dyowa hindi nakita)

ISANG miyembro ng Sputnik ang nagwala nang hindi makita ang live-in partner sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Geronimo Samaniego, alyas Jojo, 40, walang trabaho, naka-tira sa 2354 Legarda St. Batay sa imbestigasyon ni PO3 Aaron Cortez, nasa kanyang bahay ang biktimang si Roger Andaya, 37, sa 2400 Legarda St. nang magwala ang suspek sa kalsada. “Ilabas …

Read More »

Vendor itinumba sa harap ng asawa

PINAGBABARIL ng hindi na-kilalang mga suspek ang isang tindero sa harap ng kanyang asawa sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Armando Magpayo, 45, may asawa, nakatira sa 931 Int. 15, San Cerelo St. Sa inisyal na imbestigas-yon ng pulisya, dakong 9 ng gabi, kausap ng biktima ang asawang si Josephine Magpayo, nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek …

Read More »

Pasyente tumalon mula 5/f ng St. Lukes todas

ISANG lalaki ang tumalon mula sa hagdan sa pagitan ng ikalima at ikaanim na palapag ng Medical Arts Building sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni PO2 Lucy Paradero ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 ang biktima na si Jose Bordeos, Jr., 31-anyos at galing ng Masbate. Nabatid na naghihintay ng orthopedic …

Read More »

Hostage-taker dumayb sa Justice Hall

TUMALON mula sa 4th floor ng Hall of Justice ng Quezon City ang suspek sa hostage-taking na si Jerry Lo habang ini-inquest sa korte kahapon.  (RAMON ESTABAYA/ALEX MENDOZA) Tumalon mula ikaapat palapag ng Quezon City Hall of Justice ang naarestong suspek sa pangho-hostage ng kanyang mga kaanak sa Barangay Sta. Teresita sa naturang lungsod nitong Lunes. Nakatakdang isalang sa inquest …

Read More »

Pinoys sa US hirap na sa nagyeyelong panahon

APEKTADO na rin ang mga Filipino sa Estados Unidos bunsod ng nararanasang matinding lamig ng panahon na bumagsak sa -51 degrees Celcius ang temperatura. Ayon kay Via Duterte Johnson, taga-General Santos City at nakapag-asawa ng Amerikano, binalot sila ng matinding lamig nang nasiraan ang kanilang sasakyan sa gitna ng biyahe sa nasabing estado. Ayon kay Johnson, kasama niya ang kanyang …

Read More »

Tigdas posible (Mga bata ‘wag isama)

NANAWAGAN ang Department of Health sa publiko na huwag nang isama sa prusisyon ng Itim na Nazareno ngayong araw (Huwebes) ang mga bata at matatandang may sintomas ng tigdas upang maiwasan ang posibleng hawahan ng naturang sakit. Ang pahayag ni     Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, direktor ng National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health (DoH), sa mga magulang, …

Read More »

Walang terorismo sa Pista ng Nazareno (Tiniyak ng Palasyo)

  UMABOT hanggang T.M. Kalaw St., ang pila ng mga debotong nais makahalik at makapagpunas sa Itim na Nazareno habang nasa Quirino Grandstands at nakatakdang iparada sa Maynila bilang pagdiriwang ng pista ng Poon sa Quiapo, Manila. (BONG SON) WALANG banta ng terorismo sa isasagawang prusisyon sa pista ng Poong Nazareno ngayon. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin …

Read More »

Bagong Toro ‘reporter’ nangotong sa tserman (ALAM, Hataw ginamit)

  MAG-INGAT sa taong ito (kaliwa) nagpakilalang si Edwin Sarmiento at Calabarzon reporter ng Bagong Toro pero ang lakad ay mangikil sa mga barangay chairman. Ginamit ni Sarmiento ang pekeng Alab ng Mamamahayag (ALAM) identification card na may nakalagay na party-list (gitna). Ang original ay ID ni Bilasano (kanan) na walang nakasulat na party-list. (BRIAN BILASANO) ISANG  nagpakilalang CALABARZON reporter …

Read More »

P8 dagdag-singil ng Meralco (Pagkatapos ng TRO)

SUMUGOD sa sangay ng Meralco sa Kamuning sa lungsod ng Quezon ang maralitang kasapi ng Gabriela para obligahin na agad i-refund ang siningil sa mga konsyumer noong Disyembre bilang bahagi ng pagtalima ng kompanya sa ibi-nabang TRO ng Korte Suprema TRO kaugnay sa dagdag singil sa koryente. (ALEX MENDOZA) KAPAG natapos na ang 60-day temporary restraining order (TRO) na inilabas …

Read More »

Ex-Miss Venezuela, mister utas sa holdaper

CARACAS – Patay ang dating Miss Venezuela at ang kanyang mister nang pumalag sa mga holdaper sa South American nation. Si Monica Spear, 29, soap opera actress, at mister niyang si Henry Berry, 39, ay pinagbabaril ng mga holdaper sa highway sa pagitan ng Puerto Cabello at Valencia sa central Venezuela. Ang 2004 Miss Venezuela winner ay naninirahan sa United …

Read More »

BuCor medico legal, dedo sa ratrat

PATAY ang medico-legal officer ng Bureau of Corrections (BuCor) nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Muntinlupa . Nadala pa sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Dr. Juan Villacorta II, ng Blk-29, Lot-1, Marang St., Camena Springville, Bacoor, Cavite . Dead on arrival ang biktima nang idating sa naturang ospital sanhi ng apat na …

Read More »

Buntis, 8 pa kinagat ng asong ulol

CEBU CITY – Inoobserbahan ang kondisyon ng siyam katao matapos silang makagat ng asong ulol na nagpagala-gala lang sa kalsada sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Brgy. Malubog Councilor Boy Bulacano, nakababahala ang sitwasyon ng mga biktima matapos lumabas sa eksaminasyon sa aso na positibo sa rabies. Dagdag ng konsehal, tinurukan na ng anti-rabies ang mga biktima. Ang mga biktima …

Read More »

Replika ng Nazareno ipinarada na

ISANG araw bago ang malaking prusisyon para sa Poong Nazareno, ipinarada na ang replica ng imahe bilang hudyat at pagpapakita ng kahandaan ng mga awtoridad  para sa Pista bukas, Enero 9. (BONG SON) Dalawang araw bago ang Pista ng Itim na Nazareno, dumagsa na ang maraming deboto sa loob at labas ng Quiapo Church. Sinimulan  na  rin  iprusisyon sa iba’t …

Read More »

No second chance — Lacson (Sa overpriced/substandard bunkhouses)

TINIYAK ni Presidential Assistance for Rehabilitation and Recovery head, Sec. Ping Lacson na agad isasampa sa Office of the Ombudsman ang kasong graft sakaling makompleto na ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang pagpapatayo ng bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas. Nilinaw ni Lacson, hindi na dapat bigyan ng isa pang pagkakataon ang sino mang mapatutunayan na …

Read More »

P43-M Mega Lotto Jackpot muntik ‘di makobra (Natakot sa seguridad)

DAHIL sa takot sa kanyang seguridad, muntik hindi makobra ng 50-anyos lalaki ang mahigit P43-milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto, na kanyang napanalunan noong nakalipas na Disyembre 27. Taimtim nanalangin sa Diyos upang magkaroon ng lakas ng loob na lumuwas ng Maynila, mula Dumaguete City, ang nanalo ng jackpot prize para kobrahin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa …

Read More »

Magsasaka tinaniman ng tingga sa ulo

CAMP OLIVAS, Pampanga – Bulagta ang isang 42-anyos magsasaka matapos taniman ng limang bala ng 9 mm sa ulo habang nasa bukirin kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pandacaqui, sa bayan ng Mexico. Base sa report ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Mexico Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Raul Petrasanta, Central Luzon Police director, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung …

Read More »

Tigdas titindi sa summer — DoH

LALO pang titindi ang outbreak ng tigdas sa bansa hanggang summer. Ito ang naging pahayag ni Health Sec. Enrique Ona, sa kabila ng kanilang massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyon kabataan. Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, na mas mabilis ang development ng nasabing virus. Dahil dito, nagpulong na ang …

Read More »

Comatose na bangkay nabuhay (Nakatakda para i-embalsamo)

ILOILO CITY – Hindi natuloy ang pag-embalsamo sa isang bangkay sa isang punerarya sa Sta. Barbara, Iloilo, matapos matuklasang buhay pa siya. Si Rodolfo Caasig, Jr., 27, ng Bago City, Negros Occidental, ay dinala ng kanyang pamilya sa punerarya para ipa-embalsamo ngunit nang inusisa, malakas pa ang tibok ng kanyang puso. Ayon sa kanyang kapatid na si Clarissa Jay Caasig, …

Read More »

‘Malik’ ng MNLF patay na naman

KINOMPIRMA ng militar na nakatanggap sila ng impormasyon na pumanaw na si Habier Malik, ang ground commander ng Moro National Liberation Front na umatake sa Zamboanga City noong Setyembre. Ayon kay Colonel Jose Johriel Cenabre, Commander ng 2nd Marine Brigade na nakabase sa Sulu, batay sa kanilang impormasyon, namatay si Malik dahil sa komplikasyon ng sakit na diabetes. ”He was …

Read More »

Ex-Batangas Vice Gov. Recto abswelto sa bombing

TULUYAN nang inabswelto ng Department of Justice (DoJ) si dating Batangas Vice Governor Richard “Ricky” Recto hinggil sa kasong may kinalaman sa bombing incident na nangyari sa Batangas Capitol noong 2006 na ikinamatay ng dalawang tauhan ni dating Batangas Governor Armando Sanchez. Magugunitang nangyari ang pagpapasabog noong Hunyo 1, 2006 na ikinasugat ni Sanchez at ikinamatay ng kanyang driver na …

Read More »

2 kelot niratrat sa Maynila

HINIHINALANG onsehan sa droga ang dahilan matapos barilin ang dalawang lalaki ng riding in tandem sa Tondo, Maynila inulat kahapon. Ginagamot na sa Philippine General Hospital ang biktimang sina Richard Alberto, 28-anyos, binata, walang trabaho, ng 232 Pajati Street, Balut, Tondo, at Ricky Andriatico, 38-anyos, may-asawa, ng 150 Pajati Street, Balut,Tondo, sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan. …

Read More »

Van sumalpok sa nakaparadang truck, 3 patay

TATLO katao ang patay matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa nakaparadang truck sa North Luzon Expressway sa Malolos, Bulacan, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga namatay na sina Cynthia Medina, 49; Consuelo Repuyo, empleyado ng LGTM Corporation sa Pangasinan; at isang alyas Albert ng Tarlac. Nakaligtas naman si Imelda dela Cruz, 43-anyos. Ayon kay Malolos Police Head, Supt. Dave …

Read More »