Thursday , June 4 2026

Caretaker, 45 utas sa atake sa nasunog na textile warehouse

071015 fire dead
PATAY ang isang 45-anyos caretaker makaraan atakehin sa puso nang masunog ang binabantayang bodega ng tela kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktimang si Nicanor Crisostomo.

Batay sa impormasyon mula kay FO2 Noralyn Agudo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Valenzuela City, dakong 11:37 a.m. nang simulang lamunin ng apoy ang Larry’s Curtain Warehouse sa Cabatuhan  St., Brgy. Ugong ng naturang lungsod, pag-aari ng isang Henry Ong.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa tumalsik na baga mula sa nagwe-welding sa katabi nitong pabrika at bumagsak sa mga telang nakatambak sa bodega kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Tinatayang P4.5 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa halos tatlong oras na sunog sa nasabing warehouse.

Dakong 1:36 p.m. nang ideklarang fire under control ang sunog na umabot ng Task Force Bravo.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …