Saturday , May 21 2022

Masonry Layout

Leftists sa Bicol nagtalaga ng bagong spokesperson

NAGA CITY – Walong buwan makaraan mapaslang ang tagapagsalita ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa enkwentro ng militar at makakaliwang grupo sa Calomayon, Juban, Sorsogon, nagtalaga na ng bagong tagapagsalita ang grupo. Sa ipinalabas na mensahe ng CPP-NPA-NDF-Bicol, kinompirma nito na mayroon na silang bagong tagapagsalita sa katauhan ni Maria Roja Banua. Magugunitang Hulyo 4, 2013 nang mapaslang ang …

Read More »

PH-US base access deal kailangan ng Senate approval

KAILANGAN maratipikahan ng Senado ang kasunduan para sa ‘enhanced military cooperation’ ng Filipinas at Estados Unidos dahil ito ay tratado lamang, pahayag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago kahapon. Dahil nasa final stages na ang negosasyon, pinagkalooban na ng Filipinas ang US ng access sa Philippine military bases. Idniin ng mga opisyal ng Filipinas na ang ‘access’ ay iba sa ‘basing,’ at …

Read More »

3 miyembro ng pamilya patay sa ratrat (5 anyos sugatan )

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong miyembro ng pamilya makaraan paulanan ng bala ang kanilang bahay sa Brgy. Mabuhay, Baungon, Bukidnon kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Juan, Rosita at Julius Magsalay, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa nasabing lugar. Ayon sa kapatid ni Juan na si Isidro Magsalay, nasa gitna ng …

Read More »

Mag-asawa, utol tiklo sa droga

CAGAYAN DE ORO CITY- Inihanda na ng PDEA Region 10 operatives ang isasampang kaukulang kaso laban sa tatlong sinasabing notoryus drug pushers na kanilang naaresto sa Brgy. San Alonzo, Balingoan, Misamis Oriental. Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Alfonso at Lourdes Abanil, at isa pang Maria Cristina Hanapag, pawang residente sa nasabing bayan. Inihayag ni PDEA Deputy Regional Director Rayford …

Read More »

New arms, vessels, aircrafts inaasahan ng AFP

IBINIDA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang tungkol sa 63,000 rifles na inaasahang matatanggap ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makasabay sa modernisasyon. Bahagi ito ng pahayag ng Pangulo sa kanyang commencement address sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Siklab Diwa Class of 2014 na ginanap sa Baguio City kahapon ng umaga. …

Read More »

5 NPA, 2 sundalo patay sa North Cotabato encounter

KIDAPAWAN CITY – Patay ang limang miyembro ng New People’s Army at dalawang sundalo sa sagupaan dakong 10 a.m. kahapon sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay Captain Ernest Carolina, Spokesman ng 10th Infantry Division Philippine Army, tinutugis ng mga tauhan ng 1002nd Brigade Phil. Army ang mga rebelde na sangkot sa pananalakay sa Matanao, Davao del Sur at tumakas …

Read More »

Sorry ni PNoy inisnab (Yolanda victims nainsulto, Dinky palpak, Lacson bagman)

MINALIIT ng Palasyo ang pagbasura ng mga Yolanda victims sa apology ni Pangulong Benigno Aquino III sa mabagal na aksiyon ng gobyerno sa kalamidad at panawagan na sibakin sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman at rehabilitation czar Panfilo Lacson. Ayon sa People Surge Alliance, hindi nila matatanggap ang masyadong huling paghingi ng paumanhin ng Pangulo at kailangang managot siya sa …

Read More »

Senior citizen nagbigti sa problema

Dahil sa problemang pampamilya, nagbigti ang isang senior citizen, driver,  sa daang Villoso, Barrio Obrero, Davao City, kahapon ng madaling araw. Gamit ang electrical cord, nagbigti ang biktimang kinilalang  si Cyrin Sorita, 61-anyos. Ayon sa anak ng biktima na si Sherwin, may problemang kinakaharap ang kanilang pamilya kaya marahil ito ang dahilan para magpakamatay ang ama. (Beth Julian)

Read More »

Rojas, Ragos mas konek kay Janet Lim Napoles (Close kay De Lima)

BINALEWALA ng Palasyo ang ulat na malapit kay Justice Secretary Leila de Lima ang matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may koneksiyon kay Janet Lim-Napoles at hindi ang  pinasibak niya kay PNoy na dalawang deputy directors. Tila nag-iba ng tono si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nang usisain kung ang Napoles isyu ba ang dahilan sa …

Read More »

Cudia nagpasaklolo sa Korte Suprema

Dumulog na sa Korte Suprema si First Class Cadet Aldrin Jeff Cudia para hilinging maisama siya sa mga magtatapos na kadete sa Philippine Military Academy (PMA). Sa petition for certiorari, prohibition and mandamus, na inihain ni Cudia, kanyang hiniling na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa ipinataw na dismissal sa kanya …

Read More »

Base military sa PH ipagagamit sa US (Sa ilalim ng ‘security deal)

Pumayag na ang pamahalaang Filipinas na ipagamit sa United States (US) ang mga base-militar sa bansa sa ilalim ng bagong “security deal.” Nabatid na inilatag ang “security deal” sa anim na beses na dayalogo ng dalawang bansa sa Washington noong nakaraang linggo. Umaasa ang Amerika at Filipinas na maisasapinal ang mga terms ng “agreement on enhanced defense cooperation” bago ang …

Read More »

Malakas na FOI bill ipaglalaban ni Sen. Poe

TINIYAK ni Sen. Grace Poe na ipaglalaban niya ang malakas na bersiyon ng Freedom of Information (FOI) bill kapag nakarating sa bicameral conference committee ang kontrobersyal na panukala na naglalayong bigyan ng access ang taong bayan sa mga impormasyon sa tanggapan ng pamahalaan. Sinabi ni Poe, sponsor ng panukala sa Senado, kailangan matiyak na malakas ang bersyon na maisabatas dahil …

Read More »

Messenger namboso na nang-video pa kalaboso

INARESTO at ikinulong ang 33-anyos messenger nang mabuko ang pamboboso at ini-video pa ang dalagang kapit-kuwarto, habang naliligo sa loob ng banyo, sa Taguig city,  kamakalawa ng gabi. Nabisto ng 28-anyos dalaga, na itinago sa pangalang Marlie, ang paninilip ng suspek na kinilalang si Elmer Lapid, nang kumislap ang cellphone niyang gamit sa pagkuha ng larawan habang naliligo ang biktima. …

Read More »

4 Binay staff sugatan sa Ifugao (SUV nahulog sa bangin)

BAGUIO CITY – Apat staff ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang sasakyan mula sa convoy ni Vice Pres. Jejomar Binay sa  Banaue, Ifugao   kahapon  ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Tamo, driver ng nasabing sasakyan, Alexander Solis, Alexander Sicat at Roman Campita, photographer. Sa impormasyon mula sa Ifugao Provincial Police Office, isang itim na Fortuner (SJR-272) …

Read More »

Utak ng madugong kudeta bagong Assec sa OP (Muntik magpabagsak kay Cory)

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III bilang assistant secretary sa Office of the President (OP) ang isa sa mga utak ng madugong kudeta na muntik magpabagsak sa administrasyon ng kanyang inang si Pangulong Cory Aquino noong Disyembre 1989. Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang paghirang ng Pangulo kay Victor Batac bilang assistant secretary ng OP. Si Batac …

Read More »

Esmeralda, Lasala sinibak ni PNoy sa NBI

nbi SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III ang dalawang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang mga sinibak ay sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala, kapwa deputy directors ng NBI. Aniya, si Atty. Ricardo Pangan Jr. ang papalit kay Esmeralda at si Atty. Antonio Pagatpat ang papalit sa pwesto ni …

Read More »

Negosyante ng gulay utas sa .9mm bala ng kawatan

ISANG bata ang nakaligtas sa bala ng kawatan nang hilahin siya ng kanyang ina pero sinawing-palad ang hindi nakaiwas na 62-anyos ginang na negosyante ng gulay nang makipagbarilan sa mga pulis ang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rebecca Sapelino, 62, ng 122 Iba Este, Calumpit, Bulacan, binawian ng buhay sanhi ng isang tama ng …

Read More »

Killer ni Kenneth Chua timbog sa ATM card (Kinasuhan ng homicide)

KASONG robbery with homicide ang isinampang kaso kahapon sa Makati City Prosecutor’s Office ng Makati City Police laban sa master cutter na nagnakaw at pumaslang sa isang fashion designer. Ikinulong na sa Makati police station ang suspek na si Rogelio Aquiat, residente sa Caloocan City. Sa follow-up operation ng Makati City Police, naaresto si Aquiat nang makita sa CCTV camera …

Read More »

17-anyos anak ng komedyante nagtangkang mag-suicide

NAGTANGKANG magpakamatay ang anak na babae ng TV host/comedian si Jose Manalo sa condo unit sa San Juan City. Batay sa impormasyon, may iniwan pang suicide note ang naturang 17-anyos na anak ni Manalo. Ayon kay Atty. Dennis Pangan, ikalawang beses nang nagtangkang magpakamatay ang biktima na ngayon ay maayos na ang kalagayan. Taon 2012 nang maharap si Manalo sa …

Read More »

PNoy napikon sa atenista

NAPIKON si Pangulong Benigno Aquino III sa tanong ng isang 3rd year law student ng Ateneo Professional Schools sa Rockwell, Makati City, kaugnay sa talamak na korupsiyon sa bansa. Inurirat ni Xyrex Kapunan, 3rd year law student ng Ateneo Professional Schools, kung paano mabibigyan ng inspirasyon ang mga kabataan na pumasok sa public service kung talamak ang katiwalian sa gobyerno. …

Read More »

Ampaw na pangulo ayaw ni PNoy sa 2016

HINDI “ampaw” na pinuno ang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III na pumalit sa kanya sa Palasyo sa 2016. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo bilang tugon sa tanong ng isang estudyante ng Christian Hope High School sa Sta. Cruz, Maynila, kung ano sa tingin niya ang kwalipikasyon ng susunod na presidente ng bansa Binigyan ng tips ni Aquino ang  …

Read More »

16-anyos namaril, 3 binatilyo sugatan

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang tatlong menor de edad makaraan ratratin ng kapwa nila teenager kahapon ng madaling-araw sa Masbate City. Kinilala ang mga biktimang nilalapatan ng lunas sa Masbate District Hospital na sina Ryan Lao-ang, 17; Sonny Tioco, 16, kapwa taga Brgy. Kinamaligan, at Jaylord Gonzaga, 17, ng Brgy. Bolo sa nabanggit na siyudad. Habang pinipigil sa Masbate City PNP …

Read More »