Friday , April 26 2024

Masonry Layout

Pacman tatakbong senador sa PDP-Laban

IBINUNYAG ni Manny Pacquiao kahapon na tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban bilang senador makaraang muling linawin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente. Ginawa ni Pacman ang pahayag habang siya ay nasa New York para tanggapin ang 2015 Asia Game Changer of the Year award. Ayon kay Manny, ang PDP-Laban ay walang kandidatong presidente …

Read More »

Sabwatang Palasyo Ombudsman vs VP Binay itinanggi

HINDI nakikipagsabwatan ang Palasyo sa Ombudsman para gipitin si Vice President Jejomar Binay at sirain ang kanyang 2016 presidential bid. Sinabi ni Communications Secretary herminio Coloma Jr., walang hurisdiksyon ang Malacanang sa Office of the Ombudsman na isang independeng constitutional body. Binigyang diin pa niya na ang administrasyong Aquino ay tumatalima sa rule of law. “The Office of the Ombudsman …

Read More »

Hot spots, areas of concern ilalabas next week

NAKATAKDANG ianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga listahan ng lugar na isasailalim sa hot spot at areas of concern sa darating na 2016 presidential election. Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, tatapusin muna nila ang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) bago ilabas ang mga lugar na kailangan bantayan ng mga kinauukulan. Ayon kay Bautista, …

Read More »

‘House Independent Bloc Leader’ pasok sa senatorial race

martin romualdez

  PORMAL na naghain ng certificate of candidacy (COC) sa main office ng Commission on Elections (Comelec) para pagka-senador si House Independent Bloc leader at 1st District Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez kahapon ng umaga. Bitbit ang bandila ng Lakas-CMD bilang presidente ng partido, ginawa ni Romualdez ang pormal niyang pagsabak sa ‘senatorial race’ sa tanggapan ng Comelec kasama ang …

Read More »

Dinukot na sanggol natagpuang patay sa kanal

NAGCARLAN, Laguna – Patay na nang matagpuan kamakalawa ang isang taon gulang na sanggol makaraang dukutin ng hindi nakilalang suspek nitong Linggo habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Malaya, Nagcarlan, Laguna. Sa report na ipinadala ni Chief Inspector  Leopoldo Ferrer, hepe ng Nagcarlan Police, kay Acting Laguna PNP provincial director, Senior Supt. Florendo Saligao, kinilala ang biktimang …

Read More »

Kinidnap na mayor ng Naga, Zambo Sibugay pinalaya

PINALAYA na ang dinukot na alkalde ng Naga, Zamboanga Sibugay na si Mayor Gemma Adana, nitong Martes ng umaga. Ito ang kinompirma ng Joint Task Group Zambasulta ng Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Captain Roy Vincent Trinidad, dinala si Adana sa mismong bahay ni Sulu Governor Abdul Sakur Tan bago mag-alas syete ng umaga kahapon. Agad sumailalim sa …

Read More »

4-anyos paslit sinakmal ng asong ulol

DAGUPAN CITY – Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa samples ng asong ulol na sumakmal sa 4-anyos lalaking paslit sa lungsod ng Dagupan kamakalawa. Nagpapagaling pa ang biktima mula sa sugat sa kanyang likod, balikat at braso na sinakmal ng hinihinalang asong ulol. Kuwento ng biktima, naglalakad siya sa gilid ng kalsada nang bigla na lamang lapitan ng aso. …

Read More »

Bagyong Lando papasok sa PAR ngayong gabi

POSIBLENG pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lando Miyerkoles ng gabi o umaga ng Huwebes. Ayon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 2535 km Silangan ng Luzon. May lakas ito na 45 kph, habang gumagalaw pa-Kanluran Hilagang Kanluran na may bilis na 25 …

Read More »

3 bata nalunod sa ilog sa Iloilo

ILOILO CITY – Nalunod ang dalawang Grade 6 at isang Grade 2 pupils nang maligo sa ilog sa Navais, Mandurriao, Iloilo City kamakalawa. Ayon kay Brgy. Kagawad Jimmy Capilihan, nagkayayaan ang mga biktimang sina Dion Salmillo at Ramy Monsale, parehong 12-anyos at Grade 6 pupil sa Mandurriao Elementary School, na maligo sa ilog kasama ang apat na iba pang kaklase …

Read More »

Magkalaguyo tiklo sa buy-bust

KORONADAL CITY- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang magkalaguyong naaresto sa drug buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Banga PNP at 4th Manuever Company ng RPSB 12 sa Prk.6, Brgy. San Vicente, Banga, South Cotabato kamakalawa. Kinilala ni Senior Insp. Senen Balayon, ang hepe ng Banga PNP, ang mga suspek …

Read More »

Bagatsing Mayor na tatakbuhin sa 2016

BITBIT ang battle cry na “Ang Bagong Maynila” pormal na inihain kahapon ni 5th District Congressman Amado S. Bagatsing ang kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (COMELEC) upang tumakbo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2016 elections. Nasa kanyang ika-tatlong termino, dumalo muna ang kongresista sa isang misa sa San Agustin Church sa Intramuros …

Read More »

Lim maghahain ng CoC ngayon

MAGHAHAIN ngayong araw (Oktubre 13) ng certificate of candidacy (COC) si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para sa muling pagtakbo sa mayoral race, bilang official candidate sa ilalim ng Liberal Party. Si Lim ay muling nagpasya tumakbo dahil marami sa Manilenyo ang komombinse sa kanya na muling ibalik ang nawalang mga libreng serbisyo tulad ng anim na ospital na dating walang …

Read More »

Leni Robredo: LP senatorial slate subok at maaasahan

“ISANG malaking kara-ngalan ang makasama ang labindalawang senatoriables ng partido sa darating na halalan.” Ito ang deklarasyon ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo kasunod sa pag-anunsiyo sa 12 pambato ng partido bilang senador sa 2016 elections. Kabilang sa senatorial slate ng LP sina Senate President Franklin Drilon, senador Teofisto “TG” Guingona III at Ralph Recto, dating senador …

Read More »

LP candidate sa Antipolo sugatan sa ambush (Sa bisperas ng CoC filing)

NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang 44-anyos Liberal Party councilor candidate sa 2016 election, makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng gabi habang patungo sa local party meeting sa Antipolo City. Kinilala ni Supt. Godfredo Kinhude Tul-O, chief of police, ang biktimang si Macario Semilla y Paraiso, 44, nakatira sa Villa Leyva, Compound, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod. Dakong …

Read More »

Sekyu nanaksak katagay patay (Binuskang ‘under’ ni misis)

PATAY ang isang 23-anyos lalaki makaraang saksakin sa leeg ng kanyang kainomang security guard na tinukso niyang ‘under’ ng kanyang misis kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Binawian ng habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Reymalon Azuelo, 23, ng 225 Gate 10, Area B, Parola Compound, Tondo. Habang tinutugis ng mga tauhan ng Delpan …

Read More »

Income tax cut batas na sana – Chiz (Kung gobyernong may puso ang nakaupo)

Binatikos ni vice presidential frontrunner Chiz Escudero ngayong Linggo ang “kondisyonal at nakataling paninindigan” ng administrasyon sa reporma sa pagbubuwis na hanggang ngayon ay nakapako pa rin sa antas noong 1997 kasabay ng tahasang pagsabing kung ang kasalukuyang pamunuan ay nabigong isabatas ang panukalang magpapababa ng income tax, ito ang unang ipapasang batas sa pamunuan ni Sen. Grace poe. “Mariin …

Read More »

Ikukulong nila ako bago ang halalan – Binay

IBINUNYAG ni Vice President Jejomar Binay, nakatanggap siya ng text messages mula sa hindi kilalang sender na siya raw ay ipapaaresto bago ang halalan sa taon 2016. Ginawa ni Binay ang pahayag ilang araw makaraang ilabas ng Office of the Ombudsman ang kapasyahan na tuluyang pagtanggal sa kanyang anak na si Junjun Binay bilang alkalde ng lungsod ng Makati. Bagama’t …

Read More »

Poe papayagang maghain ng COC (Ayon sa Comelec)

TATANGGAPIN pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe para sa pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016. Ito’y sa kabila nang tumatakbong kaso ng senadora sa Senate Electoral Tribunal (SET) kaugnay ng kanyang citizenship. Sinabi ni Comelec chairman Andres Bautista, puwedeng maghain ng kandidatura si Poe simula ngayong araw, Oktubre 12. …

Read More »

Tolentino biktima ng pambu-bully

DINIPENSAHAN ng grupong good governance advocates si resigned Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa iba’t ibang kontrobersiya sa pagsasabing nabiktima ng bully upang pagtakpan ang kasalanan ng ilang senatorial bets. Nanindigan si Alberto Vicente, tagapagsalita ng Alliance for Good Governance na ilang miyembro na rin mismo ng Liberal Party ang nasa likod ng “demolition job” laban sa …

Read More »

10 namatay sa Leyte Penal Colony kinilala na

TACLOBAN CITY- Kinilala na ng Bureau of Fire Protection-Abuyog Leyte ang 10 bilanggo na namatay sa sunog sa Leyte Penal Colony noong Oktubre 8, 2015. Ayon kay SFO3 Eric Barcelo, Ground Commander ng nasabing insidente, ang nasabing narekober na mga bilanggo ay ‘beyond recognition’ o sunog na sunog na kaya hindi na makikilala pa ng kani-kanilang pamilya. Sila ay sina …

Read More »

2 MTPB timbog sa kotong

ARESTADO ang dalawang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa mga operatiba ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) sa entrapment operation bunsod ng mga reklamo laban sa kanila sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ni MASA chief, Chief Insp. Bernabe  Irinco, Jr. ang mga suspek na sina Joselito Garcia, 46, ng Road 4, Benita St., Gagalangin, …

Read More »

Killer ng bebot nalambat

BUMAGSAK na sa kamay ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang dalawang suspek na sinasabing pumatay sa 38-anyos  babae sa harap ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Biyernes (Oktubre 9) sa lungsod. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Alan Nobleza ang mga nadakip na sina Eugene Ebisa, 30, at Reynaldo Cunanan, Jr., 36, sasampahan ng kasong murder …

Read More »

680 sakong resin pellets hinaydyak ng driver, pahinante

ARESTADO ang isang truck driver at pahinante sa paghaydyak sa 680 sakong resins pellet na sangkap sa paggawa ng plastic materials, makaraang salakayin ng mga awtoridad ang isang maliit na bodega sa bahagi ng Canumay East, Valenzuela City. Kinilala ang mga naaresto na sina Romar Palabrica, 31, truck driver, at Arnold Arellano, 27, truck helper, kapwa residente ng Sitio Hilltop, …

Read More »

DFA no comment muna sa 2 light houses sa Spratlys

TUMANGGI munang magbigay ng ano mang komento ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa kinompirma ng Beijing na tapos na at kanila nang binuksan ang dalawang light house sa may Cuarteron Reef at Johnson South Reef sa Spratly Islands. Ayon kay DFA spokesperson Assistant Foreign Seccretary Charles Jose, nasa proseso pa sila sa pagkokumpirma hinggil sa nasabing report. Sinabi …

Read More »