Thursday , June 4 2026

2 pulis itinuro ng taxi driver (Sa pagpatay kay Arnaiz)

Hiningan ng paliwanag ni Senadora Grace Poe ang taxi driver na si Tomas Bagcal sa pagdinig sa senado. Ipinakikita ng taxi driver na si Tomas Bagcal kung paano siya tinutukan habang siya ay hino-hold up nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman sa pagdinig sa senado kahapon. (MANNY MARCELO)

ITINURO ng taxi driver na sinasabing hinoldap nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman, ang dalawang pulis na siyang bumaril kay Arnaiz.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ng taxi driver na si Tomas Bagcal, kitang-kita niya nang barilin nina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita si Arnaiz habang nagmamakaawa at nakaluhod.

Naunang isinalaysay ni Bagcal, makaraan nilang mahuli sina Arnaiz at De Guzman kasama ang tricycle driver na tumulong sa kanya, agad nilang dinala ang dalawa sa  Caloocan police community precinct malapit sa 5th Avenue, kasama ang isang nagpakilalang barangay tanod.

Pagdating sa presinto, ipinasok si Bagcal sa isang kuwarto at sinabi sa kanya ng isang pulis na itumba na lang ang mga suspek ngunit sinabi ng driver na ini-turn over lamang niya ang dalawa.

Sinabi ng pulis na lalabas sila at isinakay ang dalawang suspek, at kasama ang isang alyas Lakay o Raras na isang kababayan sa Ilocos.
Aniya, sinabi ni Lakay sa salitang Ilokano na ayaw ba niyang mabawasan ang mga nanghoholdap sa mga taxi driver.

Hindi sinagot ito ni Bagcal dahil tila galit na si Lakay.

Pagdating sa Dagat-dagatan ibinaba sina Arnaiz at De Guzman at sinundan nila ang dalawang nakamotor na nakasibilyan.

Pagkabuwelta ay nakita ni Bagcal na nakaluhod si Arnaiz habang nagmamakaawa ngunit binaril nina PO1 Perez at PO1 Arquilita.

Itinuro sa pagdinig ni Bagcal sa Senado ang dalawang pulis na umano’y bumaril kay Arnaiz ngunit wala sa pagdinig ang isang pulis na si alyas Lakay o Raras.

(CYNTHIA MARTIN)



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …