Thursday , June 4 2026

9 kabataan tiklo sa hotel (Nagre-repack ng damo)

ARESTADO ang siyam kabataan, kabilang ang dalawang graduating students ng Criminology sa PCCR, makaraan maaktohan ng mga tauhan ni MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, sa pamumuno ni Station Drug Enforcement Unit (SDET) Chief Insp. Gilbert Cruz, habang nagre-repack ng marijuana sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila. Tinatayang P60,000 halaga ng marijuana ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek. (BRIAN GEM BILASANO)

ARESTADO sa mga pulis ang siyam kabataan at nakompiska ang mahigit 500 plastic sachet at 200 gramo ng hinimay na marijuana sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dakong 4:00 am, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Team (SDET), na pinamumunuan ni C/Insp Gilbert Cruz, at Smokey Mountain PCP, kaugnay sa ilang kahinahinalang kalalakihang nag-check in sa isang mini hotel sa R-10, Vitas, Tondo.

Agad nagresponde ang pinagsanib puwersa ng SDET at SM PCP, sa room 402 ng hotel at tumambad sa kanila ang nakasusulasok na makapal na usok mula sa ma-rijuana.

Naaktohan nila habang nagre-repack ng marijuana ang arestadong mga suspek na sina Patrick Joaban, 22; Fred Mar Borja, 24; Albert Estrada; Oneng Basa; John Mark Magat; Timothy Naceno; Maypearl Lorenzo; Marlon de Asis, 32; at alyas Syder, 17, pawang mga residente ng Tondo.

Ayon kay Sarhento Michael Banaag, team leader ng SDET, tinata-yang 570  sachet ng ma-rijuana, 180 grams dry leaves at 100 gramo ng marijuana stem o stalk, P60,000 ang halaga, ang nakompiska ng mga awtoridad.

Napag-alaman, dalawa sa mga suspek ay graduating student ng Philippine College of Criminology (PCCR).

(BRIAN GEM BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …