Thursday , June 4 2026

71-anyos, 4 pa drug pusher sinalbeyds sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – “Huwag n’yo kaming tularan, drug pusher kami,” ito ang mga katagang nakasulat sa papel na nakasabit sa tatlong bangkay na natagpuan sa Brgy. Pansina-nao, habang dalawang bangkay pa ang natagpuan na pawang sinunog sa Brgy. San Agustin, sa bayan ng Candaba.

Sa report sa tanggapan ni PRO3 OIC Chief Supt. Ronald Santos, kinilala ang tatlong biktima na sina Romeo Manalese,71, Lito Manalese, 35, ng Cacutud, Arayat, at Fathi Kurdi, nasa hustong gulang, ng Plazang Luma, ng nasabing lugar.

Habang hindi pa nakikilala ang dalawa pang biktima na sinunog ang bangkay. 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 4:30 a.m. kahapon nang matagpuan ang tatlong bangkay sa Brgy. Pansinanao, pawang may mga tama ng bala sa katawan.

Habang dakong 7 a.m. nang matagpuan ang sunog na bangkay ng dalawang biktima sa Brgy. San Agustin.

Raul Suscano/Leony Arevalo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …