ITINAKDA ng Commission on Elections (Comelec) Ang special voters’ registration para sa senior citizens at person with disability ngayong Biyernes.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Gaganapin ang registration mula 10 a.m. hanggang 5 p.m. sa mga piling SM malls sa bansa.
Kabilang sa mga tinukoy na malls para sa special registration ng PWDs ang mga sangay sa North EDSA sa Quezon City, Muntinlupa, Marikina, Las Piñas, Sucat, Aura Premier at Mall of Asia.
Magkakaroon din ng special voters’ registration sa SM malls sa Baguio, Bacolod at Cebu City.
Makikita sa website ng Comelec ang kompletong iskedyul ng satellite voters’ registration sa mga mall.