Thursday , June 4 2026

Kelot tigok sa motel kasamang bebot arestado sa shabu

TUGUEGARAO CITY – Patay ang isang lalaki makaraan ma-stroke sa loob ng hotel sa lungsod ng Tuguegarao habang inaresto ang kanyang live-in partner dahil sa pag-iingat ng shabu kamakalawa.

Kinilala ang babae na si Jackelyn Plantado, 48, tubong Binangonan, Rizal, habang ang kanyang live-in partner ay si Crisanto Apadia, 53, ng Tuguegarao City.

Una rito, pumasok ang dalawa sa hotel ngunit pagkalipas ng ilang oras ay nagpasakloklo ang babae sa mga empleyado ng hotel dahil na-stroke ang kanyang kinakasama.

Ngunit patay na ang lalaki nang dumating ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council at People’s General Hospital.

Sa pagresponde ng mga pulis at paghalughog nila sa hotel room ng dalawa, nakita ang siyam plastic sachet naglalaman ng shabu na itinago sa flower vase.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …