Thursday , June 4 2026

2 dalagita nasagip sa human trafficking

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang dalagita sa loob ng hotel makaraan mabiktima ng human trafficking sa Maynila.

Kasong human trafficking (Republic Act 9208) ang isinampa sa Manila Prosecutor’s Office laban sa suspek na si Jasmin Alfabeto alyas Candy Angeles, 21-anyos, residente ng P. Santos St., Pasay City.

Sa ulat ni Manila Police District-District Legal Office chief, Supt. Dennis Wagas, nasagip ang mga biktima na itinago sa pangalang Jennifer at Mary Ann, kapwa 17-anyos, pawang taga-Cavite.

Una rito, humingi ng tulong ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of  Justice (DoJ) sa tanggapan ni Supt. Wagas, kasama ang ilang tauhan ng Women’s and Children’s Protection Section, kaugnay sa isasagawang entrapment operation laban sa suspek na napag-alamang  nasa likod ng prostitusyon at sexual exploitation sa mga kabataan.

Mismong ang suspek ang nakikipagkita para sa kabayaran ng mga alaga niyang babae na idini-deliver niya sa kanyang mga kliyente.

Lingid sa kanyang kaalaman, nagpanggap na kostumer ang dalawang awtoridad na naghihintay sa Las Palmas Hotel, sa Ermita, Maynila.

Dakong 3:30 p.m. nang ihatid ng suspek sa Room 504 ang dalawang dalagita at makaraan magkabayaran ay agad dinakip si Alfabeto.

Dinala na ang dalawang dalagita sa kustodiya ng DWSD.

Leonard Basilio/Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …