Tuesday , May 7 2024

LTO lady chief sugatan sa ambush

TUGUEGARAO CITY – Nilalapatan ng lunas sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Tuguegarao ang hepe ng Land Transporation Office (LTO) sa bayan ng Gat-taran, Cagayan na pinagbabaril ng riding in tandem kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Belina Taguiam, 53, residente ng lungsod ng Tuguegarao.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Gattaran, lumapit ang isa sa mga suspek sa salamin na may maliit na butas sa tanggapan ng LTO habang nakaupo sa loob ang biktima.

Ipinasok ng gunman ang kanyang baril sa maliit na butas sa salamin at pinaputukan ng dalawang beses ang biktima.

Tinamaan ng bala sa kanang balikat at tiyan ang biktima.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.

About hataw tabloid

Check Also

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

GINAGABAYAN ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy, ipinagmalaki ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pagsisikap …

705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Sa buwan ng Abril,  
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 705 personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP …

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

DALAWANG lalaki na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ang magkasunod na nadakip sa magkahiwalay …

electric wires

10 tirador ng kableng tanso naaktohan sa pangungulimbat

SA MABILIS at koordinadong operasyon kahapon ng madaling araw, Huwebes 2 Mayo 2), matagumpay na …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *